Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Queen bee of 1 playful cub
Ang bigat niya na besh :))
Yung baby ko na 4 mos old, parang hindi na baby. Isa na siyang bata. HAHAHA Hindi na gumapang, diretso walker na 😂 Sabi ng pedia niya, overweight kasi 10 kilos na siya madam! Nakakataba daw talaga pag Similac. Kaya as early as 4 mos, pwede na daw siya pakainin ng mashed fruits or veggies. Para malessen ang pag dede niya. Kaya lang ayaw niya ng carrots, potato, not boiled or steamed (pinapatong ko lang sa inin na sinaing), laging dinudura niya lang. Ano pong maisusuggest niyong baby food? Try ko sana avocado maganda daw yun sa brain development. Usually 6 mos pwede kumain ang baby no? Sana kumain na rin ng food to kasi mahal ang formula wahaha
SINGLE MOM @25
Gusto ko lang mag share na kung kaya ko eh kaya niyo rin 😊 Nagttrabaho ako sa BPO since 18, ngayong 25 na ako eh nabuntis ng isang tambay. Yes, medyo tanga ako sa part na yun. I was that stupid na ako mismo ang gumagastos sa lahat na kulang nalang eh maging bakla ako. Minsan nga naiisip ko kung babae ba talaga ako. Kasi ako yung maeffort, maintindihin, tagasuyo and all. Yung ex ko kasi sustentado silang magkakapatid ng papa niya na may kaya sa buhay. All his life naglalaro lang ng computer, tambay, inom, tropa so never siyang nag work. Ang reason niya daw eh masyado siyang depressed para mag work kasi broken family sila. (Edi wow) So, ako I tried to support him. Kapag may pustahan sila andon ako. Kapag may tournament andon ako. Gamer din kasi ako. Pero I told him na hindi pwedeng puro laro. Matanda kana. Ginawan ko siya ng resume, tinulungan ko siya mag apply, binigyan ko pa ng pera para lang mag walk in siya kung saan saan. Gas attendant, staff sa sogo, bagger sa supermarket, call center, as in lahat. Ayaw niya ng fast food crew. (Choosy pa) Actually, break na kami for a few weeks nung nalaman kong buntis pala ako. Nakipag break ako kasi napagod na ko tulungan yung taong ayaw tulungan sarili niya. I don't see myself having a future with him. Sobrang bulag ko sa pagibig pero dumating yung time na narealize kong hinihila niya lang ako pababa. I guess ayun yung panget kasi I was thinking na I can save him. I can fix him. Nung buntis ako, check up pati vitamins ako lahat. First trimester mahina kapit ng baby ko and I was crying everyday kasi di ko kayang mawala talaga sakin to. I mean, unexpected pregnancy siya, yes. Unwanted, nope!! I fell in love with her nung 2 lines palang siya sa PT at mas lalo na nung nakita ko siya sa ultrasound. I came from a broken family so my lifelong dream was not to have one when I grow up. Di ko hahayaang maexp ng anak ko yung naexp ko. So I tried nanaman! I tried to make things work. Pinush ko siya para maghanap ng work, bigay allowance, hindi naging nagger, etc. Nagdusa lang ako mamsh. Until the end, umasa ako na baka pag may baby na magbago siya na parang magic. Pero hindi. First night ko sa hospital, iniwanan ako. Dahilan niya? "Jan naman kapatid mo, uwi muna ako magpapahinga." I'm like, "Tangina? Pano ka ba napapagod e wala ka naman trabaho?" CS ako and tangina shet kahit may tahi tahi ako, kahit naka catheter ako, ako nag aalaga ng baby ko na naka room in sakin. Yung kapatid ko, may pasok sa college so naiiwan talaga ako mag isa. Imagine mo nalang, wala kang tulog, masakit yung tahi mo, binat and all. Kinaya ko yon. I promised to myself na kaya ko to since day 1. Kakayanin ko. Ano ngayon kung broken family? I have my family, friends, at syempre si baby. Lahat ng bagay kaya kong ibigay. Kaya kong trabahuhin kasi inspirasyon ko siya. At para sa tatay ng anak ko, nasa huli ang pagsisisi. Sana madamayan ka ng mga tropa mo ngayon. Sana maidaan mo sa paglalaro lahat ng kalungkutan na nararamdaman mo. 4 mos old na ang anak ko. Dati, araw araw nangangamusta yung tatay ng anak ko sa text. Di ko pinapansin. Lahat ng mutual namin, dinelete ko. Pinablock ko sa mga kaibigan at pamilya ko. Kahit pic di niya makikita. Pag sinisilip ko fb niya, nagpapaka sad boi posts siya. Pero eme niya lang yon. Sobrang thankful ako sa trabaho ko kasi naka wfh ako ngayon, naaalagaan ko si baby at syempre comfortable lifestyle dahil sa income ko. Di ko kailangan mamroblema san kukuha pang gastos. Bukod jan, may online job ako minsan at food business. Nawala man ang isa, napalitan naman ng sobra sobrang blessings. Angel nga talaga tong anak ko, kasi nagawa ko iquit lahat ng bisyo ko nung dalaga pa ko. Yosi, gin, at dota (well, nag dodota parin naman ako konting hrs nalang pag tulog siya) HAHAHA Haba noh parang MMK. Basta, saludo sa lahat ng single parents. Saludo sa lahat ng ina, nanay, mudra ♥️♥️
PAANO MAG PATAWAD?
Single parent ako (25) since nung nalaman kong buntis ako hanggang sa nanganak ako. Hindi kami okay nung tatay ng anak ko (26) sa maraming dahilan. Akin yung apelyido ng anak ko, at hindi na niya kami nakita simula nung nakaalis kami sa hospital. Wala rin naman ako hinihingi na kahit anong gamit o pera kasi kaya ko mag provide. In short, pinabayaan niya ko magisa kaya kakayanin ko tong magisa. Kung nakaya ko yung pagbubuntis, ano pa ngayong nakaraos na. (Strong independent woman who doesn't need a man, ganern!) GUSTO KO LANG MALAMAN PAANO KO SIYA MAPAPATAWAD PARA SA SARILI KONG PEACE OF MIND? Ayaw ko lang ng may mabigat na nararamdaman. Gusto kong mag focus sa future namin ni baby. Alam ko at alam niya yung mga kamalian niya. Hindi na maaayos. Gusto ko lang maka move forward ng wala akong galit na nararamdaman sakanya. Share naman po kayo kung naranasan niyo na to. Kung gaano po katagal bago niyo napatawad? Nagco-parenting ba kayo? Nagkabalikan? Wala po akong mapagtanungan na iba. Sana may matutunan po ako sa karanasan niyo dito mga mamsh. Payakap ❤️❤️
Stock ng formula
Mga mamsh, san kayo bumibili gatas ni baby? Sale sa lazada shopee or sa supermarket/mercury po?
Bakuna
Normal po ba na matigas yung binakunahan sa legs po? Nag warm compress po. Mag 1 week na din medyo matigas pa po.
RA 9262 Anti Violence Against Women and Children
Para sa mga tatay na hindi nagsusustento. Maaring makulong ng 6 mos to 6 yrs. May mga mommies na po ba dito ang dumaan sa ganitong proseso? Background: I'm a single parent since day 1. Pero yung tatay ng anak ko ayaw parin tumigil mangulit sa text/calls na hindi ko naman pinapansin. Harassment ito kung papalakihin ko. Dedma lang for now kasi focus ako kay baby. Pero kung sobra na, baka idaan ko na sa legal. Advice please. Thanks.
Sino nag aalaga kay baby?
Mama niyo Ikaw lang Hubby/partner Kapatid Yaya Yung sakin kasi naka work from home kaya medyo keri pagsabayin pero nakakaloka wala kong tulog hahaha
Dry na buhok ni baby
Dry din po ba yung nasa likod na buhok ng baby niyo? Minsan po nagbubuhol. Pano po bang gagawin don? Oil? Gupit? Or hayaan nalang. Btw, mag 4 mos na po baby ko. Medyo makapal hair niya. Thank you.
Pakarga
Sa mga nagsasabi na wag sanayin si baby sa karga, paano po ba dapat? Haha hirap kasi ayaw magpababa ni baby unless tulog na tulog na ??
Inverted nipples
Paano po mag breastfeed pag inverted nipples? Using manual pump pero wala po lumalabas talaga ?