Grrr. It's that day of the week again. Tambak na naman ang mga damit na tupiin. Para sa inyo, what's the chore you hated doing the most?
I hate folding clothes because aside from sorting them to whom they belong to, you have to sort them again to another different categories: white vs. colored, pambahay vs. pang-lakad etc.
haha mag tupi po.. minsn pag tinatamad aq mag tupi nauubos nlang po mga damit sa sampayan, kuha pag gagamitin na.. pero lam q mali po yun. hehe d lang po maiwasan kc minsan..
maglinis ng bahay. parang walang katapusan e. nung una, nai-enjoy ko lalo na kung mag-isa lang ako sa bahay with my baby. but now, nakaka-exhaust na. araw araw maglilinis. haha
Pag-lalaba. Napahirap gawin at napakatagal. Masyadong mabusisi ang process ng paglalaba tapos palagi pang ginagawa kasi ambibilis magsipalit ng damit ng anak ko at asawa ko.
clean the whole house hahaha dapat kasi tumutulong mga tao dito kaso hnd kaya hate kona.. ano ako katulong!? bahala sila maglinis!!! tsaka maglagay ng mga tinupi sa lalagyan...
Paglalaba hahaha lalo na ang gastos sa damit nang asawa ko since sa Field sya nagwowork. Wala pa naman akong nilalabhan na damit ni baby. Preggy pa ako e.
Pinaka ayaw ko ang maghugas ng pinggan. Yun na nga lang yung simpleng pwedeng maitulong ng asawa ko, yun pa yung ayaw niyang gawin.
Mamalantsa ng damit. Un pinaka ayaw ko gagawin qna lahat ng chores wag lang un hehe pero wala naman aq choice kaya aq din gagawa nun haha 😂😂
yung mqg ayos ng mag ayos ng bahay pero 5 mins. pa lang gulo gulo nanaman agad. Gusto ko talagang magkasariling bahay nq yung kame lang ni baby
Magsampay pinaka ayoko! Ang init! Pag uulan, ilalagay sa lilim tapos pag umaraw na ibabalik ulit sa labas. Pa julit julit! Hahaha