Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Soon to be mommy
39 weeks preggy
Hello mumshies! Malapit na edd ko September 2. Kinakabahan na excited ako, any tips para mawala yung takot ko. Salamat ?
38 weeks and 2 days preggy
Hello mumshies! Ask ko lang lagi kasi ako pinupulikat. Yung buong left leg ko and ang sakit. Sign na po ba yun na malapit na ako manganak?
Medical Certificate
Hello mumshies. Kukuha kasi ako ng medical certificate sa QCGH bukas. Sabi sakin sa Health center bumili raw ako ng 2 gloves para sa IE. Ano po ba yun? First time mom po ako. Hindi ko rin po naitanong sa staff ng health center e. Salamat po :)
Vitamins
37 weeks na po akong preggy today. Umiinom parin po ba kayo ng vitamins? Calcium, Iron, Ferrous and Folic Acid? Nasusuka kasi ako ngayon sa gamot kaya di muna ako uminom mga 1 week narin siguro. Makakasama ba kay baby kung itinigil ko? Umiinom naman ako ng milk tuwing morning and night
37 weeks preggy
Hi! Sobrang daming discharge na lumabas sakin. Normal lang ba yun? Color white and wala naman amoy medyo nanibago lang ako. Sign na po ba yun na malapit na ako manganak? Bukas pa kasi sched ko sa OB ko e. TIA po :)
Philhealth Sponsorship
Ask ko lang po if need ba talaga ng medical certificate kapag maga-apply sa SSDD? Or pwede kahit Indigency and ultrasound lang pwede na makapag-apply? Salamat
36 weeks and 5 days
Hello mommies. Sumasakit na po pwerta and tiyan ko. May chances na ba na malapit na ako manganak? Salamat po
Feeling naiihi
35 weeks na po akong preggy. Kada gagalaw si baby lagi akong parang naiihi. Tapos ang sakit ng pwerta ko. Normal lang po ba yun?
Rashes
Hello mommies! 35 weeks na me preggy then kahapon, biglang lumabas rashes ko sa leeg, batok, singit, likod pati sa gilid ng dede ko. Ano pong mare-recommend nyo na cream para dito? Sobrang kati na po kasi e. Thank u
35 weeks preggy
Hi mommies! Ask ko lang normal lang ba na sumasakit likod natin and pati tiyan? Parang sumisiksik kasi si baby sa taas ng tiyan ko. Binasa ko naman po yung signs of labor sa Internet and di naman po ako nakakaramdam ng mga iyon. Nag-woworry lang ako kasi madalas ako lang mag-isa sa bahay e. Thank you