Matagtag sa byahe
Hello po ask ko lang po kung makaka apekto ba Kay baby kung laging natatagtag sa byahe? nagwowork po kasi Ako currently 5 weeks. #AskingAsAMom #Needadvice #pregnancy

Sa 3rd pregnancy ko, binalewala ko ung mga risks para sa work sa kagustuhan kong makaipon kaya nawalan ng HB si baby. Ngayong 4th pregnancy ko, nabuntis ulit ako 1 month pa lang ako sa bago kong work. Sobrang tagtag din ako rito at puro buhat din kasi position ko sa trabaho kaya kahit malungkot na decision, nagresign na lang ako kesa maulit ung nangyari sa 3rd pregnancy ko 🙂 Tbh, ang pinaka apektado kasi sa ginagawa natin ay si baby. Kung tayo, okay pa siguro ung pakiramdam natin, pero sa loob pala hindi na okay. Ganyan kasi nangyari sa 3rd pregnancy ko, no symptoms of miscarriage, nalaman ko na lang nung schedule ko na for ultrasound na nawalan na pala sya ng HB. Kaya ngayon, nag-iingat na ako at nagsacrifice na lang na magresign 🥹 To answer your question, yes makakaapekto since 1st trimester yan. Very sensitive pa ang kapit ni baby kaya kung araw-araw ka matatagtag, delikado po.
Đọc thêmnaalala ko po yung sabi ng OB ko. sabi niya, ang pagbubuntis daw po kung para sayo para sayo. pero gets po kita mi, na need talaga natin ingatan sarili natin during this time specially on those 1st trimester po. sa akin po kasi nagmomotor po kami ni husband. parang 1-2 hours a day isang way lang po yan sa isang araw. masakit sa pempem kapag matagal kang nauupo. 😅 pero yun kailangan po kasi magwork madaming bills. tho hybrid po ako. 3 times a week lang pumpasok.
Đọc thêmfrom my experience sa first ko, super yes! lalo na kapag ganyan na weeks pa lang.. first and last trimesters ang mahirap at sensitive stage kaya ingat po tayo. ang work ko non 2.5hrs byahe bus at jeep ang sinasakyan ko.. then work pa ng 8hrs shift pagod talaga ako non.. nasa sayo mommy pa din ang desisyon.. basta ingat lang po..
Đọc thêmsakin naman po sabi ng Ob ko, its ok naman mag byahe di namn maapektuhan si baby mga 6 weeks pregnant din ako, pero natakot parin ako, almost 2 hrs. din kasi papuntang work and everyday ako nag cocomute so i decided na mag resign nalang from work and i have miscariage history, kaya ayun sacrifice lang talaga.
Đọc thêmSakin nun 2023 everyday ako nabyahe via motor from Ortigas to Carmona Cavite gang 7mos ng pagbubuntis ko... okay naman... naisip ko para sakin talaga si baby kasi a year prior nun (2022) nakunan ako eh, nag ingat ako nag bed rest uminom ng mga neresetang pampakapit pero nakunan pa rin ako...
Yes po. Mas prone po sa pagkalaglag. Ganyan po kasi si Tita ko, 6 months na po sya non then nagwowork kasi teacher so tagtag sa byahe. Please be careful po, hangga't maaari magbelt po kayo para kahit papaano ay masteady si baby kung need talaga magwork.
Ako po pinag sisihan ko noon nakunan ako, travel ako weekly 2hrs, malayo kasi work ko. kala ko po okay lang ako, wala kasi ako nararamdaman hanggang sa dinugo po ako, kaya ngayon buntis ako ulit nag resign na lang po ako kasi di kakayanin at ayoko na irisk
same as me din ..ang work nahahanap pero si baby hindi, dipende kasi sa katawan yan, meron naman maseselan magbuntis and age factor...i have many co workers na nagkunan at 1st preg. and until now di na nabuntis ulit..
sa akin po pinag leave po ako ni OB and pinag bed rest. since palaging sumasakit puson ko dahil sa byahe though wala namang bleeding. hanggang sa nag decide napo akong mag resign kase gusto ni OB yung 1st trimester ko bed rest ako.
depende sa katawan mo na. araw araw din ako pumapasok noon at teacher din akyat baba sa building. nailabas ko naman si baby Ng safe. Isang taon na Ngayon. kung para Sayo, para Sayo. dahan dahan ka nalang mag lakad.
sabi po ng isang obgyne sa tiktok na ang miscarrage po is unpredictable. kahit naga pahinga kalang sa bahay kung magkaka miscarrage ka darating talaga po yan. kahit gaano pa po natin kaingat.
mommy of Lsirene Cyana. ?