Palaging puyat

Baka po matutulungan niyo ako, may ma rereco po ba kayo na stick on or oil for baby to have long sleep? Tinybuds is di effective sakanya :(( Baby ko kasi natutulog siya around 7 or 8pm tapos magigising sya 10 or 11pm hanggang sa 5am na gising pa siya. Halos araw araw kaming walang matinong tulog. Mag 5months na sya this 18

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Follow appropriate wake windows. For 5 months old, 2 hour na ang wake window nila. Ganyan din ang baby ko nung 2 months siya. 1 pm to 1 am ang tulog tapos 1 am, ready to play na lagi 🤣 Ang ginawa namin, araw araw inuusog namin tulog niya. Hanggang sa maging 6 pm-6 am. Matinding iyakan nung una pero kapit lang, once na magkaroon sila ng sleep schedule, magagaanan ka na. Ganito ang sample sched ng baby ko mi. 6 am- Wake up 8 am- Nap 1 (At least 1.5 hour nap, max 2 hours) 11 am- Nap 2 (At least 1.5 hour nap, max 2 hours( 3:30 pm- Nap 3 (Cat nap, 30 mins nap) 6:00 pm- Bedtime routine (bath time, pajama, dede) 6:30 pm- SLEEP Sa bawat pagitan ng nap (2 hours in between), talagang pinapagod namin si baby. Tummy time, stroller sa labas, mga teethers na laruan, at play gym. Sa gabi, maayos na tulog niya. 0-1x na lang sya dumede minsan. Sa case mo, parang may day and night confusion si baby. Akala niya siguro araw ang gabi, kaya adjust adjust mo siya. Make sure na nakapatay na ilaw sa gabi at tahimik na. Wag na rin siyang masyadong i-entertain pag gabi pra matrain sya na pra s tulog lang ang night.

Đọc thêm
9mo trước

Thankyou, Mommy!🥺🫶

ganyan panganay ko mii. grabe sobrang puyat ko sakanya. pagod na pagod ako nun kaya halos ayaw ko na maganak muna ulit hahaha. Wala syang solusyon mii,hanggang 1 year sya ganun na talaga sya. Ang ginagawa ko,sinasabayan ko syang tulog sa umaga. Ganun timeline nya simula pinanganak sya gang 1year sya. Pero sa bunso ko mii,simula pinanganak ko yan,gang ngayon 5 months never ako pinuyat,ewan ko ba mii,kaya di rin kita mabigyan ng maayos na advice,depende yata sa bata yun.

Đọc thêm

baka mahaba ang tulog nia sa daytime. atleast 12hrs (better if atleast 14hrs) ang sleeping time ni baby per day, including naptime. ito ang sleeping routine ng baby ko: 8 or 9pm-7 or 8am 10am-11am 2pm-4pm nagigising si baby in the middle of the night para maghanap ng dede. pero once nakasipsip na sa breast ko, balik tulog na sia. inaadjust ni hubby ang sleeping pattern ni baby since working kami at hindi mapuyat. and most important, maganda ang tulog ni baby.

Đọc thêm
Influencer của TAP

try mo sis ipakilala sa kanya yung day and night. like, kung Gabi dim light ka lang sis, tapos patugtog ka sounds, pero mas maganda kung malinis na SI baby, nahilamusan na Siya nakapagpalit na Siya Ng damit, nakadede na Siya.

5months din baby ko mii, pero mas tulog siya sa gabi. We make sure na mas active siya sa morning, like may activities etc. Kwentuhan. Singing. Ikot ikot sa bahay. Tummy time. Pag nighttime din, nakapatay na lights namin.

wag nyo po masyado patulugin sa umaga..yung anak ko since nag 3 months sya masarap n tulog nya sa gabi,kung magising man dedede lng sya sakin tas tulog n ulit..6 months na po sya now..

9mo trước

libang libangin nyo sa morning para di puro pagtulog ang routine nya..pasyal pasyal nyo sa labas sayaw sayaw kantahan nyo..anak ko po twice lng mstulog sa umaga..isa sa umaga tas mga 2 pm mgigising sya ng 3 pm,tutulog na ulit sya ng 7:30 ng gabi yung gising nya 12 am at 5:30 am na..

balance nyo po un wake time nya lalo sa umaga para sa gabi antok na sya. more on play time pag gising.