baby kong puyaters

hi mga momsh hingi lang po sana ako ng advice yung baby ko po kasi napaka puyaters gusto lagi mag laro at maglakad lakad shes 1 year old and 1 month natutulog po sya ng 6 to 7 pm tapos magigising po sya ng 9 or 10 pm ang tulog nya na ulit 3 or 4 am gising nya sa umaga mga 10am tapos hihingi sya ng milk tapos tulog ulit gising nya ulit mga tanghali na nag woworry na kasi ako kasi iba body clock nya any advice momshie thankyouuu!

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mag routine po kayo mommy. Sa ganyang edad 4-5hrs waking hour nila. Gising nya 7am tapos 10am nap na. At dapat ang nap nya sa umaga hindi lalagpas sa 45 minutes. Sa hapon na nap nya mga 2 hanggang 3:30. Dapat hindi lalagpas sa sa 3:30 para hindi apektado ang tulog nya sa gabi. Before 8pm or earlier dapat tulog na siya. Dahan dahanin nyo ang transition nya mommy. At pag nagigising siya sa gabi huwag po kayo magpailaw at huwag nyo po siya kausapin. Hayaan nyo lang po siya. Masasanay din yan. You should follow strick rule of nap time kasi importante yan sa tulog nya sa gabi mapa infant man o toddler. Importante po ang routine sa mga toddler ng hindi sila nacoconfuse.

Đọc thêm
5y trước

Ganyan din kami sa 1st born ko nasa ibibigay mooang talaga na routine saknya ng pagtulog.

nung newborn baby ko hirap din kmi at plagi kming npupuyat . Baguhin nyo ang routine ng pagtulog . Kapag gabi madilim at sa umaga dim lights lng promise malaking bagay un

Thành viên VIP

gawan mo na ng sleeping pattern wag mo na patulugin ng 6-7 pm patulugin mo sya bandang 1pm ng hapon para magigising sya mga 3 or 4pm matutulog ulit yan 7 or 8pm.

Thành viên VIP

Wag mo na po siya patulungin ng alanganing oras, patulugin mo siya mga 4-5 para mas maaga siyang makakatulog sa gabi.

Thành viên VIP

Dpat may sleeping pattern n po si baby habang maaga pa mommy. At that age, drecho n tulog dpat sa gabi.

Thành viên VIP

thankyou sa mga advice momshie onting onti na nag aadjust pag tulog nya ♥

Gawa ka po ng routine.