Bakuna for baby
Baka po may idea kayo magkano po ang PENTA and HEPA B sa private clinic? natatagalan ako sa public 😔 2mos na si baby pero wala pa siyang bakuna (penta and hepa b) Puro oral polio lang. May mga nagssabi na ok lang naman daw na madelay ang bakuna. Pero kasi mahirap magsabay sabay ng bakuna. Baka mahirapan si baby. Naghahanap pa lang po ako ng pedia. Pero baka may idea po kayo, magkano. Thank you in advance po.
Napakamahal po sa pedia. 6in1 is around 4 to 6k iba iba kasi price ng pedia per dose pa yan. Not sure how much hepa vac. Wait na lang sa health center magkaron. Basta di naman ginagala si baby at maingat sa bahay, di naman sila magkakasakit. Pero kung may budget naman for that mas okay syempre na mapavaccine mo na si baby.
Đọc thêmhello mommy. Iba-iba din po kasi ang prices ng vaccines pagdating po sa private clinics. Pero usual range naman po is nasa 1.5k to 4k. Medyo pricey a bit si Penta. Okay naman po ma delay. May catch up sched po tayo pero mas mainam if we ask our pedia or bhw for the right schedules.
hello mommy. Iba-iba din po kasi ang prices ng vaccines pagdating po sa private clinics. Pero usual range naman po is nasa 1.5k to 4k. Medyo pricey a bit si Penta. Okay naman po ma delay. May catch up sched po tayo pero mas mainam if we ask our pedia or bhw for the right schedules.
nung 1month old c bebe hepa b 800pesos tas after 1month 5n1 na 3500 sa private.pero 3months old na c bebe nung pinaturokan ko sya ng 5n1.okay lng nmn dw sabi ng pedia nya.sa center lng ata Ang my Penta,at iba Ang turok sa center nakakalagnat sa private dipo sya lalagnatin.
Thank you po mga mumsh. Last month nabakunahan na po si baby for Penta 1, this month for Penta 2 na. Altho, late siya ng one shot. ayos lang po. And sa health center po kami. Salamat po.
I refer you sa Brgy Health Center nyu mommy. Free lang for your baby tapos meron talaga sila schedule na mga that day lng pumupunta mga well baby para hindi mahalo sa mga may sakit.
hello mommy! iba iba po kasi. usually sa private 6-in-1 na po binibigay. but if meron sa health center take advantage na po. kasama po yan sa tax na binabayaran natin. :)
Hi Mommy, nagrange po ang bakuna ng babies ko sa 2k-4k sa private clinic pero you can check po sa brgy. health center dahil may mga free at available din po silang bakuna
Iba iba price depende sa Pedia. Check mo din po sa pinaka malapit na health center para libre. Please prioritize po ang mga bakuna ni baby. Lahat ng ito po ay mahalaga.
dito po manila, 3,500 hexa na po. kakabakuna lang ni baby last week. hindi sya binakunahan sa center kasi need daw sa doctor ang unang dose ng penta. totoo po ba?