Hindi po ako naglilihi, may nakaranas po ba ng ganito?

Ang weird kasi lahat ng buntis na kakilala ko naglilihi, nagsusuka sila, tapos naghahanap ng specific na pagkain. 2 mos nako bago ko nalaman kasi di nga ako nagsusuka. Masakit lang likod ko yun lang. Hahahah. Kayo ba naranasan nyo to at usually ano ung gender ng baby nyo?

41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same Tayo 😂😂😂 nalaman ko Lang buntis ako 5 months na akong buntis Dahil wala akong nararamdaman kahit ano Hindi nag lilihi at walang morning sickness. isa pa maliit din akong mag buntis Kaya wla talaga akong alam . normal din sakin delay regla ko Dahil nag gagamot ako.. napansin ko Lang na may lumalaki puson ko ☺️ papacheck up na Sana ako sa hospital para malaman Kung bakit naisipan kong mag PT ayun malinaw positive. nagpaultra sound agad ako para malaman Kung Okey Lang si baby thanks God at healthy Naman sya. currently I'm 30 weeks and 3 days na 🥰 wala pa ring paglilihi .ibang iba sa panganay ko na sobrang selan ko.. baby girl ulit baby ko 🥰 . Okey Lang Yan mommy 🥰 consider yourself lucky Kasi isa Tayo sa mga nagbuntis na Hindi maselan..sobrang hirap magbuntis Danas na Danas ko Yan sa first born ko sa sobrang selan na hospital na ako..manganganak na Lang nahihilo pa at nasusuka.buti healthy si baby ko kahit bagsak katawan ko nun..🥰

Đọc thêm

same sis mula first trimester ko never akong nag suka or nag lihi man lang. medyo maselan lang yung pang amoy ko. kung ano yung mabango, nababahuan tuloy ako. at ayaw ko rin sa amoy ginigisang bawang at sibuyas. sakitin din yung likod ko as in mapapainda ka talaga sa sakit. ngayon mag ti-third trimester na ako, may nagsasabi na may chance pa daw na maranasan yung mga sintomas na yan bago tayo manganak, hopefully hindi ko nalang maranasan hahaha. waiting palang sa papalapit na ultrasound ko this coming monday☺️.

Đọc thêm

ako d ako naglihi.normal lang.first baby ko rin to kaya lang dko pa masyado cya narramdaman 🙂19weeks and 2days na tiyan ko🙂😘cguro dahil sa anterior placenta ako kaya para lang may kiti kiti s puson ko🙂😘. mag 36 na ako sa oct 28 ang masaya due ko rin ng oct 🤣sana ka bday ko. masaya n masaya ako kc magkaka.baby ako akala dina eh dami pinag daanan gamutan ang dragonfly ng tiyan ko😘🙂

Đọc thêm

Ako po walang kahit anong paglilihi nung pregnant, tapos ngayon 19months na si baby hindi sya sensitive and hindi namin naranasan mapuyat or magpahele para makatulog sobrang swerte namin. hindi din nagbago yung tulog nya gaya ng sinasabi nila na nagbabago daw every month. hindi din sya sensitive sa pagkain lahat ng gulat gusto nya haha. cute!

Đọc thêm

hello, sa foods sometimes may specific ako hinahanap. pero kung ano yung nkahandang pagkain kinakain ko nmn. wlang pagsusuka, nkakapaglinis, nkakapag-alaga pa ako ky first born at nkakapagwork pa din. amoy d din maselan. matakaw ako sa fuds 😂 and ang gender ng pinagbubuntis now is a BOY 😂😂😂

pasundot sundot na pagsusuka lang ako e hindi sya everyday siguro un ung time na sobrang kabusugan kaya isinuka na namen ni baby heheh..pero ung mejo hilo at mejo maskit ulo e every gising ko ganon..since kase pagising gising ako sa gabi kase di ako makali sa left at right position plus niihi lage

hindi pare parehas mi sa panganay ko hindi ako nag lihi or nag suka pero gusto ko lahat ng pag kain dapat sunog or maitim sa second baby ko lahat ng hirap sa pag lilihi at pa susuka umabot ako ng 6 months after nman ng paglilihi at pag suka total bed rest for 3months babae mga anak ko mi

Me, nabuntis ako never ako nakaranas ng suka at crave normal lang tapos bago ko mag duedate never ako nakaranas ng mga body pain hndi ako nag lalabor, wala akong discharge nung araw na manganagank ako 1hr lang ako nag labor 9CM agad kasi nung humilab hndi pa masakit sakto lang. 😊

3y trước

sis ako din twins.. evening sickness ako. Ano kinakain mo? Hirap ako kumain kasi d ko alam kakain ko.. misan naduduwal ako.

1st and 2nd baby ko hindi ako maselan maglihi antukin lang talaga. Pero dito now sa 19weeks pregnancy ko super hirap ako, as in until now nasusuka pa din ako at super antukin pa din. Sobra din laki na ng tyan ko na prang pang 7 months na. Hopefully boy na kasi naka 2 girls na ako.

May ganyan talaga sis. Hindi maselan pagbubuntis mo. Ganyan din ako sa panganay ko wala akong naramdamang pagsusuka at pagkahilo. Pero ngayon dito sa 2nd baby ko na pinagbubuntis ko ang selan ng pagbubuntis ko. 3months ako nagsusuka at walang gana masyado kumain.