Hindi po ako naglilihi, may nakaranas po ba ng ganito?

Ang weird kasi lahat ng buntis na kakilala ko naglilihi, nagsusuka sila, tapos naghahanap ng specific na pagkain. 2 mos nako bago ko nalaman kasi di nga ako nagsusuka. Masakit lang likod ko yun lang. Hahahah. Kayo ba naranasan nyo to at usually ano ung gender ng baby nyo?

41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hindi ko din naranasan maglihi mommy 4 months 'ko na nalaman na buntis pala ako pumapasok pa ako non tsaka walang baby bump din hindi ko din masyado inisip kasi ireg ako minsan buwan din bago ako reglahin wala din signs ng pagsusuka or pagkahilo 😊

Hello mi, almost 2 mos nako preggy before pa namin malaman na buntis ako. I've never experienced maglihi kaso during those months na buntis nako, lagi lang akong antok. hahahaha antok tas lagi lang gutom. kung anu ano lang kinakain ko hahahaha

Ako din mii 2 months na tummy ko di ako nkaranas ng paglilihi lahat ata ng lutuin ng nanay ko kinakain ko eh hahaha umiiwas ako sa matamis at ung kape. Kahit umg sa amoy wala ilang weeks bago malaman gender ni baby

Same here po! No nausea or anything. Hindi din maselan. That's okay lang naman po. Iba iba po katawan natin so that's fine. As long as laging nagpapa checkup then okay and healthy si baby 😊

Sa 2 girls ko, same lang maselan, sukahin hanggang third trimester. Sa 2 boys ko naman, same din na hanggang first trimester lang pagsusuka, maayos na pakiramdam pagtuntong ng 2nd trimester.

Thành viên VIP

di po kasi pare pareho ang way po ng pagbbuntis natin sakin po suka ako ng suka tska ayoko ng tubig mapait tlga panlasa ko nassuka ako.Embrace mo lmg kung ano klase ung way mo ng pagbbuntis

Hello momsh... Ako din 3mon preggy nku pero wla din ako specific. N fud na gusto ko d ako nglilihi o ngsusuka pero matakaw ako at kahit anu fud kinakain ko😅😊

Ako rin mamsh simula umpisa hanggang ngayong 6months na ako , walang paglilihi as in. Kahit sa panganay ko ganun din. Kaya Thank God ang swerte natin 😇🥰

hi mhie, hindi ko din po ata naranasan maglihi. kahit po ung pagsusuka hindi din po. pero si hubby po may nahiligan kainin. hehe girl po si baby.

3y trước

Trueee yung panganay ko girl wala din ako naramdaman nun. Pero dito sa pangalawa ngayon hirap ng paglilihi ko. Pero diko pa alam kung girl o boy sya.

hindi naman parepareho ang pag bubuntis 😆 HAHAHAHA gaya sakin 9months na tyan ko dati di pDin ako makakain ng kahit anong karne 😆 gulay lang🤣