Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
a wonderwo'mom of two??
Hello po, implant user here🖐️. May nakita po ako sa facebook na about sa babaeng implant user din na namatay dahil nagkaroon ng ectopic pregnancy. Ang sintomas daw po ay madalas na pananakit ng puson at bleeding. Nakaka bother po tuloy kasi ganun din mga nararanasan ko hehe. First time user po ako ng implant, normal lang po ba yung sintomas na ito? Mild cramps sa puson at bleeding halos ilang beses sa isang buwan pero hindi naman malakas. Dalawang beses ko po naranasan yung sobrang sakit na puson halos di makatulog sa sakit na para akong nag lelabor😅
LIP TIED??
lip tied po ba pag ganitong magka hiwalay ang ngipin?
WELCOME TO THE WORLD OUR BABY BOY💙 EDD: JULY 9 2024 DOB: MAY 23 2024
salamat sa Diyos at kahit napa aga ang labas mo ay healthy ka naman at safe tayo. Ilang beses sinubok si mama anak ilang beses na muntikan kang mas maagang mailabas pero salamat at kumapit ka. hanggang sa umabot tayo ng 33 weeks base sa ob natin at sa ultrasound pero sa hospital ay 36 weeks kana daw. na NICU ka pa ng 24 hours, medyo mapula pa yung balat mo nun at natatakot pa akong hawakan ka kahit sa totoo ay gusto na kitang maisama sa ward gaya ng ibang nanay. at yun nga nag pakitang gilas ka sa doctor natin, pinakita mo na malakas ka ng dumede kaya ayun at nakasama rin kita sa ward. salamat Lord at healthy si baby at walang komplikasyon🤍
sino pong naka experience manganak ng 33 weeks pero okay naman po si baby🥺 nakakaramdam na po kasi ako ngayon ng signs ng labor 33 weeks palang po ako
SPOTTINGGG
hello po mga momshies! i'm currently 7 months preggy na po and i experinced spotting po ulit. nung first trimester ko po almost 1 week din akong nag spotting at niresetahan ng pampakapit. ilang buwan na rin po ang nakakalipas at mukhang healthy naman po ngayon si baby boy ko kasi super likot nya naman sa tummy. pero ngayon po kasi napansin ko nag spot ulit ako meron pa po konting konti sa panty before ako mag lagay ng pad. normal lang po kaya ito or baka nag babawas lang po sabi ng iba? as of now naman po sobrang likot nya sa tummy ko even may spotting.
mga mi, ask ko lang po kung anong mga strategies ang ginawa nyo para mapatigil si lo sa pacifier? grabe kasi mag wala yung lo ko pag walang pacifier, nawala kasi yung pacifier nya nahirapan akong pakalmahin at patulugin e. nakatulog nalang sa sobrang pagod kaka iyak😩
FINALLY A BABY BOY!!🩵 FOUND OUT AT 20 WEEKS🫶🏻
sure na po kayang baby boy? ask ko na rin po sa mga may alam po dito if normal lang po yung results ng ultrasound ko, thanks po🥰
MGA KA TEAM JULY-AUGUST
join our gc "TEAM JULY🤍" para mas madaling masagot ang ating mga katanungan mula sa kapwa natin preggy na may experience na☺️
SINO PO DITO YUNG NAKA EXPERIENCE NG LOW LYING PLACENTA NA BABY BOY ANG GENDER.
sabi po ng experts usually kapag ANTERIOR LOW LYING ay BABY GIRL, kapag naman POSTERIOR LOW LYING ay BABY BOY✨
3 Months Preggy
Konting lamon lobo agad, maselan po ako sa pagkain at mahina kumain pero lumolobo po agad na parang sasabog. Sino po same sakin, 14 weeks palang po ako. Mas lalaki pa po kaya to pag dating ng ilan pang buwan?😩