sensitive feeling?

ang husband ko teacher and ako nagwowork sa isang private company meju malayo ang agwat ng pinagtatrabahuhan naming dalawa...7 months pregnant ako ngayun, tuwing friday lang sya kung umuwi at hanggang sunday lang kami ngkakasama kasi nga malau ung school na pinagtatrabahuhan nya....pero kada dumating ang friday madalas sumasama loob ko sa knya kasi imbis na sakin ang dretso nya pag uuwi dun parin sya umuuwi sa bahay nila at madalas pa ako ang nagtatanung sa knya kung matutulog sya sa bahay namin pag madami syang dahilan dun na nagistart sumama loob ko....at kung anu anu na nasasabi ko saknya....feeling ko kasi madalas mag isa lang ako palagi...nahihirapan na ako sa kalagayan ko kasi sobrang bgat narin ng tyan ko.lahat ng gawain especially maglaba hirap na hirap na ako,ung 2 days na nga lang ung time na sana kmi ang magkasama eh kung minsan di pa nagyayari.....masyado lang ba akong sensitive dahil buntis ako oh kaartehan ko lang un nararamdaman ko...???

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Insensitive lang asawa mo. Ako nga kung di lang magastos at malayo ang uwian ng laguna to taguig, aaraw arawin ko.