Appreciation post para kay hubby

Sobrang thankful talaga ako sa partner ko. Sobrang understanding, hindi pa ako buntis nun di na talaga nya ako pinaglalaba kasi bawal talaga ako sa mabibigat na gawain, kadalasan tagasampay lang ako. E matigas lang talaga muka ko minsan pag naiinis ako sa kanya naglalaba ako kapag wala sya para di nya ako mapipigilan hahahaha. Tapos nung nalaman namin na buntis ako mas lalong naghigpit kahit pagsasampay pinagbawal nya sakin, yung pagluluto madalas sya na ang gumagawa lalo na pag wala sa bahay ang mama ko na madalas talagang nagluluto. Pati sa groceries, dati naman kasama ako tapos sya ang tagabuhat pero pinagbawalan nya na din ako sumama sama kasi nakakapagod nga daw tapos mainit pa. Sobrang thankful talaga ako lord sobrang swerte ko. 7 months nako ngayon at sobra sobrang pagaalalaga natatanggap ko galing sa kanya. Monday to friday ang pasok nya, saturday and sunday sana pahinga nya pero mas pinipili nya maglaba at maggrocery kesa magpahinga. Naiiyak ako minsan kasi parang diko deserve kasi minsan inaaway ko na lang bigla tapos madalas pa iritado ako sa kanya pero never nya akong pinatulan. Love na love ka namin ni baby, daddy! Salamat sa pagaalaga mo samin palagi kahit pagod ka paguwi. ❤❤

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

You are fortunate! Make sure maiparating mo sa kanya na nappreciate mo sya