Tanong lang po sino po dito naka experience na may high uti?

Ako po kasi mataas uti ko nagtake na ko ng antibiotics for 7 days tapos po nag pa urinalysis ulit para makita kung bumaba na ba sya. Pero yung result po is mataas pa din. Binigyan ulit ako ng midwife ko ng antibiotics for 3 days lang kasi nagtake na ko ng 7 days. Isang linggo na din nakalipas nung huli kong take nung antibiotics another 3 na naman ngayong binigay saken. Okay lang po ba yun? After take ko nun pahinga daw muna 2 weeks then pa urinalysis ulit kung bumaba na ba. Di lang po mataas uti ko nag 1+ yung protein ko kaya pinapaiwas sakin yung matatamis at maalat. Advice din sakin habang ginagamot yung uti ko inom ng inom ng madaming tubig and mag buko 3 times a week. Nag woworry po ako baka di bumaba yung uti ko kasi naka 7 days take na ko nun ng antibiotics tapos another 3 days naman ngayon. Nakakaworry din po for baby ko. Meron po na naka experience ng ganto?

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Momsh ilang wks kana ? Ako 19wks and 4days kami ni baby. Same tayo 2+ pa positive ko sa protien, as in sumasakit puson ko pag gumagalaw si baby kasi naninigas malikot na siya, nagpacheck up ako 2x ako positive padin sa uti ang taas kasi 10. Nagpacheck up ako sa hospital,masungit pa nga doctor e😆 anyway ang sabi nung OB kaya sumasakit daw puson ko gawa ng mataas ang uti, tapos kaya naman daw nagpapositive sa protien is gawa din ng uti. Ang pinagtataka ko bat ako nagka uti e mahilig ako sa tubig buko araw araw. Neresetahan ako ng Cefuroxime for 10days 2x a day un, katatapos ko lang nakaraang araw. Sakto Check up ko kahapon sa Lying in pinakita ko lahat ung result, pinag urinalysis ako nung midwife, and as per advice ng midwife and nung doctor pag umihi daw ako hugas mona tapos punas ako ng tissue then ung unang ihi pabayaan lang sa kalagitnaan na ng pag ihi dun kumuha ng sample para mas malinis,yun ang ginawa ko kahapon. Todo dasal ako na sana lord ok na result ko kasi ok naman na pakiramdam ko di na masakit galaw ni baby,breech din kasi si baby ko. and thanks god. 2 nalang ung sa puss cell ko, tapos pinagtutubig nalang ako palagi ng midwife and buko. tuloy ko lang daw ginagawa ko na palagi tubig ng tubig, tapos buko ng buko. and isa pa kailangan wag maalat sa kinakain, di maalat di matabang. Kaya mo yan mii.

Đọc thêm
3y trước

mii yong 1st urinalysis ko 2+, 2nd urinalysis ko 1+ padin. nag worry na talaga ako kasi naging 10 pus cell ko e. Nag buko lang ako mii every morning wala pa laman sikmura ko, kasi ung mga nawala kinagabihan na fluid pinapalitan ng electrolytes na galing sa buko yan,tapos every day sobrang dami kong iniinum na tubig kada kain mga 3-4 baso na tubig minsan 5,tapos sa hapon nagbubuko din ako. Iniwasan ko talaga maalat,lalo mga sawsawan toyo patis kahit ano. Thanks God Kahapon 2 nalang pus cell ko tapos yong trace na nakalagay sa protein advice saken ituloy ko lang yong ginagawa ko buko tubig. Di na masakit si baby gumalaw sa puson ko,pwera buyag malikot

Ako po 19 weeks and 5 days preggy. Nag ka uti din po ako nitong mga 17 weeks ko. Nag 30-35 yung pus cells ko. Kaya pumunta na agad ako kay OB. At nirestahan nya ko ng antibiotics. 2 weeks nya kong pinag take nun. Hanggang sa maubos yun. Tas inom lang ako ng inom 8-10 glasses everyday at buko lang din ako ng buko. Tas nag pa urinalysis na ko nung isang araw. Thank god. Nag 1-2 na pus cells ko sobrang laki ng ibinaba nag normal na sya. Check up ko nung isang araw sa OB ko at ang sabi nya ano yung mga ginawa ko para bumaba at mag normal, sabi ko sinunod ko lang po yung advice nyo doc. Unimon ng tubig 8-10 glasses wag kumain ng maalat at matamis. Tas uminom ng buko. Halos lahay ng pagkain ko hindi inaalatan laging kumain ng prutas at gulay lang. Wag kumain preservatives. Iwas talaga mommy para kay baby kasi mahirap magka infection dapat i maintaine ko na daw yun kasi delikado para kay baby. Kahit naman daw wag ka mag buko araw araw pa minsan minsan lang kasi mas magastos daw sabi ng Ob ko. Mahalaga tubig lang talaga ng tubig. Sana maging ok kana po. Tubig lang ng tubig mommy.

Đọc thêm
3y trước

mii kelan due date mo ? 19wks and 6 days ako via lmp ko, pero sa 1st utz ko 18wks and 6 days.

Momsh ako nga wala ko ka UTI uti the whole pregnancy kung kelan manganganak na ko at kelangan magpa Urinalysis ulit saka ako nakitaan may UTI days nalang yun manganganak na ko kaya untreated ang infection ko kahit naka antibiotics na. Ang ending nagka Neonatal Sepsis si baby ko naipasa ko infection sakanya😢 7days siya sa NICU at di biro ang gastos mii pero wala lang ang pera kumpara sa buhay ng anak ko.. Eto na siya napaka healthy mag 4mos old na.. Kaya mi pagaling ka🙏 kung di pa rin bumaba uti mo sana pa urine culture ka din nila para malaman kung ano talaga sanhi ng uti mo

Đọc thêm
3y trước

Maraming salamat mi🥺🥰

ako po 21 weeks and 1 day preggy. nung unang test ko mga 10weeks ata ako nun, may uti daw po ako 15-20 tapos po pinabalik ako after 7days, another test ulit 2-4 bumaba naman po sya kaso pinababalik ako kasi may nakita po silang Red Blood Cell kaya kailangan another test naman daw ulit, kaso 1month ako bago nakabalik. Ngayon po nakuha ko na ung resulta 60-80 ung pus cells ko, nagworried po ako kasi biglang taas nya eh lagi naman ako umiinom tubig at umiiwas naman po ako sa maaalat. Nakaka- UTI din po ba ang pakikipag- D.o?

Đọc thêm

Nakunan ako last year lang dahil sa UTI, Sobrang daming bacteria na pala, nung malala na dun ko lang naramdaman, tumagal lang ng isang buong Araw nilabas ko ng kulang sa buwan si Baby .. 6 months lang sya kaya di tumagal . Ngayon preggy ulit , pero di parin nawawala UTI ko . Pinayuhan na ko na magpaUrine culture test, may resistance na daw ako sa gamot na binibigay sakin, kaya binigyan ako ng ibang gamot .. Under Med parin ako now . Dapat po mag pasecond opinion kayo sa Ob na talaga ..

Đọc thêm
3y trước

isa daw po sa rare na bacteria ang meron ako sa ihi ko, marami ding gamot ang may resistance na daw ako kaya walang effect .. kaya kahit umiinom ako ng madaming tubig at nag gagamot ako walang effect .. tas nag reseta po sakin ng specific na gamot

same tayu sis preggy ako now 13weeks mataas den UTI ko kaya pinagtake ako Ng doctor ko antibiotic co amoxiclav 2x day after a week bumalik ako same paden result kaya Pina test ako urinalysis culture ata Yun para malaman kung anong bacteria nasa ihi ko lumabas results after a week UTI paden kaya eto nagttake den ako ulit pang 1 week antibiotic pero iBang brand na feeling ko mas effective na sya kc d na madilaw ihi ko umiinom na den ako tubig lagi at iwas na den sa maaalat na pagkaen

Đọc thêm

ako sis nung 10weeks ang tyan ko nagka UTI ako ang taas, pinagtake din ako ng antibiotics for 7days and more water then nagbuko juice din ako. Bago ka umihi at pagkatapos mong umihi inom ka madaming tubig, tas sa umaga pagkagising mo inom ka buko juice. Ayun bumaba ang uti ko di na ko pinag take ng antibiotic more water water water nalang talaga and iwas din sa maaalat na pagkain.

Đọc thêm

Ganyan din po yung nangyari sa akin. Nagsabay ang UTI at yeast infection ko. First antibiotic ko is cefuroxime for 7days pero hindi naalis ang infection. co amoxiclav ang second na reseta sa akin ng OB ko pero bumaba lng ng konti. So nag azithromycin pa kami one tab for 7 days. Iba pa yung gamot ko sa yeast infection ko. Buti na lng at naalis din. 😊😊😊

Đọc thêm
3y trước

Yung yeast infection po ba is nakukuha yun after mag take ng antibiotics and common sa pregnancy? Tapos po yung discharge is kulay white na parang harina tapos makati na nagkakarashes? Kasi po meron ako nyan e

ako po sobrang taas po ng uti ko, madaming antibiotics narin na take ko, pero ngayon di mona ako binigyan kasi, nirequesan ako ng obgyne ne ko ng culture urinenalysis, dun daw makikita kung anong infection meron ako, at baka daw kasi di naayon yung binibigay nyang gamot kaya di nawawala uti ko

2y trước

Hello mi kamusta po kayo?

Sa center po ako nagpapacheck up yung nagtake ako ng 7 days antibiotics (cephalexin) yun yung binigay nila then nag pacheck po ako sa private pinatest ulit ihi ko mataas pa din so yun sila nagbigay saken ng 3 days magtake ng antibiotics (amoxicillin) From cephalexin to amoxicillin.

3y trước

Patest po kayo ulit baka bumababa na po. Sana po umokay na talaga