Nahihirapan na kaya ang baby ko?
7 months old na po ang baby ko at exclusively breastfed siya hanggang ngayon, hindi siya sing taba ng mga nakikita na mga cute babies sa social media. Healthy na man, sa awa ng Diyos pero may mga tao talagang napupuna ang hindi pagiging mataba ng anak ko. Sabi nila, hindi na daw enough yong nabibigay kong gatas at kailangan ko na raw mag mix ng formula. Minsan naiisip ko, may mali ba ako sa desisyon kong i exclusive breastfeed muna ang anak ko hangga't kaya ko pa. Ayokong sumuko, pero minsan napapaisip ako kung tama ba, tama bang kapitan ko muna ang paniniwala kong ito. Minsan naiiyak nalang ako. Sa tingin niyo po ba, kailangan ko nang bitawan ang paniniwalang iyon? Nahihirapan na kaya ang anak ko? ?
Queen bee of 1 superhero magician