Fragileheart profile icon
Kim cươngKim cương

Fragileheart, Philippines

Contributor

Giới thiệu Fragileheart

Preggers, FTM, FURMOM

Bài đăng(20)
Trả lời(501)
Bài viết(0)

Breech(suhi) Copied by Dr Bev Ferrer fbpage

PARA SA MGA SUHI AT TRANSVERSE 🍿 PARA IWAS STRESS ❤️ 🍿KAPAG KAYO AY LESS THAN 32 weeks 🍿 ✅ hayaan nyo lang kasi kusa yang mag head down. ✅ mas mabigat ang head kesa sa pwet, kaya dahil sa gravity, mahahatak ang head pa baba. ✅ dahil sa shape ng matres na Pear, hahanapin ng baby ang tama lugar para sa pwet nya and legs, kelangan ng mas malaki na space which is the upper part ng matres kaya kusa nya aayusin ang position nya 🙂 ✅ after 32 weeks na kapag hindi pa din naka pwesto, pwede na simulan ang mga technique para mapagalaw sya: Pahanap na lang sa Youtube: 1. Breech Tilt 2. Forward leaning inversion 3. Pelvic Tilt 4. Hot and Cold Method 5. Music and Light Technique 6. Acupuncture and Moxibustion. ✌🏼I-research nyo na lang ano mga yan 😅, meron sa youtube. 🍿 1 to 3 lang usually ang ginagamit ko sa practice but reading on number 6. 🍿 They’re not 100% but worth a try. Don’t do it if you’re not comfortable. 🍿 If 1-6 ayaw pa din, next is ECV or external Cephalic Version basta pasok kayo sa criteria. * kuha muna kayo ng clearance sa OB nyo 🙂 baka pasok kayo sa requirement for External cephalic version ( we do that sa clinic) -36-38 weeks. ❌ Kapag hindi natitinag ang baby nyo baka dahil: 1. May myoma kayo 2. May septum sa loob ( partition) 3. Kapag kakaiba ang shape ng matres nyo ( bicornuate, heart shaped etc) 4. Masyado malaki di makagalaw 5. May cord coil di makagalaw Kapag first baby: 1. CS 2. Pwede na rin ang vaginal birth basta pasok sa criteria ( Eto ang bago). Medyo mahirap lang I-meet yung criteria. Kapag 2nd baby pataas: CS or Partial breech extraction ( vaginal birth, basta pasok sa criteria) #inthecervixofthefilipinopeople #inthecervixofthefilipinopeople

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi

Blood in stool of baby

BLOOD IN STOOLS OF A BABY In my practice, the most common cause of blood in stools of a baby is cow's milk allergy and it's not a medical emergency. You can read it more here: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=328028898926026&id=100212745040977&mibextid=Nif5oz But there's also an uncommon cause of blood in stools that is a medical/surgical emergency called INTUSSUSCEPTION. Intussusception is a condition that can cause severe belly pain. It happens when one part of the intestine slides into another part of the intestine (either small or large intestine). This causes blockage so air, fluid, and food may get stuck. Majority of cases of INTUSSUSCEPTION have no clear cause and about 30% experienced a viral infection before the onset of symptoms. Intussusception happens most often in babies and children younger than 3 years old. What are the symptoms of an intussusception? ✅Severe belly pain that comes in waves usually at first happening every 15 to 20 minutes, but the episodes get closer over time. The pain usually makes children cry and pull their knees up into their belly. ✅Vomiting ✅Bloody stools that resemble a jelly that's why it's called "currant jelly stools" ✅Being very sleepy and hard to wake up If your baby has the following symptoms, bring him/her to emergency room. Photo credit of currant jelly stools: from our Pedia resident Source: UptoDate #bloodystools #bloodystoolsinababy #intussusception #pediatrician https://www.facebook.com/100064141541161/posts/pfbid02qJu5gHrBRZR2obDgaGt4zHDW6ybXVm6yS2UFmc5EQX75R4hWEqcMJMyQ32Jmt97wl/?mibextid=Nif5oz

Đọc thêm
Blood in stool of baby
 profile icon
Viết phản hồi

Manas by Dr. BEV FERRER

MANAS in Pregnancy.....delikado nga ba? Pagpasensyahan nyo na ang TAGLISH ko. Madalas sa inyo takot sa manas, na parang ito ay magdudulot ng masama sa inyo…ang Manas ay resulta na, hindi ito ang cause ng something sa inyo 😂 Mali ang statement na to: Manas na ako baka magka high blood na ko 😂 Ang tama: Manas na ako, siguro nag high blood ako ng hindi ko na monitor ng maayos. Pero hindi naman lahat ng manas ay galing sa mataas na BP. Basta ang gusto ko lang matutunan nyo, sya ay resulta, hindi sya ang cause ok. Manas is COMMON in pregnant. Most of the time, hindi naman sya delikado unless may kasama sya mataas na BP, pwede syang sign ng Pre-eclampsia ( Hypertension in Pregnancy), hindi pantay na manas between the 2 legs at masakit, headache with vision changes and difficulty of breathing. IF manas lang at wala naman ang mga na banggit ko, ang manas ay hindi naman delikado...🙂 Napapansin to around your 5th Month hanggang buong 3rd trimester Common causes of MANAS 1. Mainit na panahon 2. Lumalaki na bahay bata 3. Standing for long period of time 4. Low potassium 5. Too much caffeine consumption 6. Too much sodium in the diet. How to manage your swelling? 1. Avoid standing for long period of time 2. Rest with your feet elevated 3. Minimize outdoor time when it is hot 4. Wear comfortable shoes, avoid high heels if possible 5. Wear supportive stockings or tights 6. Avoid clothes that are tight around wrists and ankles 7. Rest or swim in a pool 8. Don't cross your legs 9. Lie on your left side when sleeping and elevate your legs 10. Eat banana and avoid too much caffeine 11.. Limit sodium intake #10 & # 11 hindi ganon ka strong ang association pero no harm naman in following pa rin 🙂 Habang buntis, yung harmless na manas hindi yan mawawala completely, after manganak bumabalik nga yan eh. #inthecervixofthefilipinopeople #lutangangmayalam https://www.facebook.com/100057612482797/posts/pfbid023iuxhuhnSfbfN3u4WLXE9SEqrdNKF6R9uYg9aVH5sXwr76CNcMLpcPydqWoZmnAwl/?mibextid=Nif5oz

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi

Fyi PAGSUSUKA

#1 DAPAT IWASAN KAPAG NAGSUSUKA ANG ATING MGA ANAK Nakamamatay ang dehydration. Madalas kung ang pagtatae ay may halong pagsusuka, mas delikado talaga. Kaya naman importante na alam natin ang gagawin o dapat natin iwasan pag nakaranas ng pagsusuka ang ating mga anak. Sa post na ito, i-share ko lang ang isang bagay na madalas natin ginagawa na dapat natin itigil upang maiwasan ang paulit-ulit na pagsusuka ng ating mga anak. Madalas, dahil sa takot natin na ma-dehydrate ang ating anak, nagkakandarapa tayo na painumin sila agad ng gatas o tubig! Maraming sa atin ang gumagawa nito. Kapag nasa loob ng clinic o emergency room, nakikita ko talaga na pagkatapos punasan ang isinuka ng bata, ang kasunod agad ay tubig, gatorade, o kaya gatas. HUWAG GALITIN ANG MASUNGIT NA TIYAN Ang dami ko kasing mga pasyente na nagsusuka the past few days. Kaya ko din naisipan i-share sa inyo ang tip na ito para lumawak ang ating #knowledge at maka-iwas tayo sa pagpapa-ospital. MAHALAGANG PAALALA: Pag nagsuka ang ating mga anak, or kahit na sino sa atin, tandaan na mag hintay ng at least 30 minutes bago uminom ng kahit ano. Bakit? Simple lang naman ang paliwanag. Tuwing nagsusuka tayo, isipin niyo nalang na galit ang ating tiyan! Ito ang dahilan kung bakit niya pinapaalis ang kaniyang mga bisita. Kumbaga, gusto niyang mapag-isa! Para maglinis ng bahay or para lang mag-relax - hindi natin malalaman ang tunay na dahilan :))) Kaya kung kakasuka lang natin, tapos lalamanan agad natin ang tiyan, naku eh di lalu siyang magagalit! Tiyan: "Bwisit naman 'to sabi kong ayaw ko ng kasama bakit nandito na naman kayo!? Alis!!" Ang ending ay susuka na naman tayo at magkakaroon ng paulit-ulit na pagsusuka. 😞 Dito na nagkakaroon ng high risk for dehydration and hospitalization! Kaya sa susunod na nagsuka ang mga anak natin, pakalmahin muna ang tiyan 🙂 Bigyan siya ng time na makapag-relax, makapag-ayos ng bahay, hanggang sa ready na siya ulit tumanggap ng bisita. 🙂 After magsuka, wait AT LEAST 30 minutes before giving water sa ating mga anak. Clear liquids ang the best and try to avoid milk 🙂 If breast milk, much better! Pero ang formula at flavored milk ay maaaring makapagtrigger ng vomiting at dapat munang iwasan 🙂 O siya. Yun lang muna sa ngayon. Napaka-simpleng bagay kasi na dapat natin lahat matutunan. Pag nagawa natin ito ng tama, baka maka-iwas tayo sa check-up at mababawasan ang chance na masuweruhan ang ating mga anak. Ok diba? Dahil sa additional #knowledge, puwede pa tayo maka-tipid ng #money! 🙂 #Mindset natin lagi natin makatulong sa iba kaya share din natin ito sa mga friends natin para alam din nila ang gagawin! ✅ TCCIC (Take Care Cause I Care), Dok TJ #SharingisCaringTAP https://www.facebook.com/100067944001057/posts/pfbid0e6JVGngNiEjPoPZtkGUWVu9cSPgvqNbiKXQk6vq9rsjqkwGodAEkX3QcMgVgrZMPl/?mibextid=Nif5oz

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi

info for AOG BY DOC BEV FERRER

LONG POST…very basic na hindi alam ng lahat . Weeks po kami mag count ng age ng pregnancy, hindi months. 🍿Kasi ang 1 week sa amin ay mahalaga. Example: 36 weeks vs 37 weeks Iba ang management diba Kaya I- let go nyo na yang months months na yan, hello SSS baka gusto mo na din i-let go. EARLY TERM: 37 weeks to 38 6/7 weeks FULL TERM: 39 weeks to 40 6/7 weeks LATE TERM: 41 weeks to 41 6/7 weeks ❌ kaya Walang overdue ❌ TERM PREGNANCY: 37 weeks to 42 weeks. DUE DATE: 40 weeks. POSTDATED: more than 40 weeks POSTTERM: more than 42 weeks. ❌ Walang Overdue ❌ Hindi na dapat ginagamit ang word na overdue ☺️ Ginagawa lang panakot ito eh. How to compute for weeks of Pregnancy from LMP (Last Menstrual Period) 1. If hindi ka regular na nagmemens, hindi ka kasali dito, dun ka muna sa sulok. 2. Ang regular ay 21-35 days, basta pasok ka dyan, normal ang cycle mo. Ang Day 1 ng cycle is first day of mens. ( ito yung blood na talaga, hindi yung brown pa, pula na ito) 3. Ang LMP yung last na period mo na kamukha ng usual period mo, minsan kasi kapag nag-ask kami kelan last mens mo Mommy, ang sinasabi nyo yung last time na naalala nyo kahit brown lang pala and 2 days lang. Last period nyo na normal sa inyo, usual amount and usual number of days nyo. Ok gets. 4. Yung first day ang kinukuha namin. So Example: LMP : Nov 15-18, 2022 November has 30 days diba: 30-15= 15 15 + 31 ( December) + 2 ( January 2 ) = 48 divided 7 ( kasi 1 week has 7 days) = 6.85714287 😂 minus 6 ( weeks) = 0.85714287 ( Praise God for Calculator) multiply by 7 = 6 so ang AOG ni Mommy ay 6 weeks and 6/7 weeks by LMP. Gets nyo? Again if hindi naman regular ang cycle mo, hindi ka kasali dito. 🍿Bakit last mens kinukuha namin eh hindi naman nabubuntis kapag may mens? May tama ka dyan, ang tawag dito is menstrual age. Ito lang ang haba ng pregnancy nyo. Mas madali na kasi ma ESTIMATE ang true fetal age nyo if alam namin to. Ang true age ng pregnancy nyo is the CONCEPTUAL age. Usually 11-21 days ito after ng 1st day ng LMP mo 🙂 within that period pwede kayo mabuntis 🙂 on the average 14 days after ng 1st day ang conceptual age. Kaya ang conceptual age mas bata pa ito sa aging ng LMP 🙂 🍿Lahat ay estimate lang 🙂 Walang exact age. Pinakamalapit na estimate naman ang goal namin kaya Maganda yung early ultrasound, kasi pinakamalapit sya sa true age ng pregnancy nyo. ❌Kaya wag kayo magbibilang pabalik Kapag nakita nyo ang age ng baby nyo sa ultrasound na ganito: example 6 weeks daw, tapos mentally nagcompute kayo ng 6 weeks backwards. Tapos naalala nyo, hindi naman kami nag contact that day 😂 bigla nagduda na kayo kasi umandar lang pagiging ropor nyo 😂 Remember 11-21 days after the 1st day pwede mahuli ang itlog nyo 😂 BASIC #lutangAngMayAlam #mommies ##FTM ****** Basta ako sa mga patients ko, I follow the early ultrasound aging 🙂 mas comfortable ako dito, mas pinakamalapit sa true age nila. Si LMP inaalam ko lang for Philhealth Form 🙄 Hindi yata alam ng Philhealth na hindi applicable yan sa lahat ( update update din pag may time) Follow Dr BeV Ferrer on fb

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi

Kids and adult health by Dr Zane

👶👼DISCUSSIONS ON DEVELOPMENT SERIES👦👧 WALKING: Kailan Puwedeng Ituro 🤔"Pinapractice kong palakarin si baby pero parang mahina pa ang legs niya. Kailan ba ang tamang age"? 👨🏻‍⚕️May tamang pagkakasunod sunod ang development ng muscles. Most babies need to learn muna tumayo mag-isa. 👨🏻‍⚕️ Walking is expected na matutunan at around 11-12 months so most babies ay kailangan na ng practice starting 8 months old. 🤓Do NOT use walkers. As mentioned earlier, they need to learn to stand before maglakad. Forcing babies na hindi pa nakakatayo to walk by using walkers will NOT help. 🤓Cruising is the key. 🔑🔑🔑 Hawak sa something stable tapos side steps ... ex. sofa 🤓Sabayan niyo ng toys para hindi siya mabore. ex. Puwede niyong ilayo Ang toy niya para magkareason siya para magcruise or walk. 🤓Isabay niyo na rin ang pagpractice ng other areas of development. Lumabas kayo ng bahay and papulutin siya ng mga dahon while practicing walking para madevelop din ang small muscles ng hands tapos idescribe niyo ang dahon and ang iba pang mga bagay sa paligid. 🤓Kapag magaling na siya sa cruising, then ilevel up niyo na. Encourage your baby na bumitaw by keeping his/her hands busy. ex. Iabot niyo ang favorite toy niya eh di bibitaw iyan sa support niya tapos sana niyo iencourage na lumakad... Eh di tunay na walking na iyan kasi di na siya nakahawak sa sofa. 🎉🎉🎉 🤓Read the learning activities guide na sinend ko sa inyo after ng well child consultation for more info. 💙💛❤️#PalusuginAngPinas yt - Zane & Dorps, MD https://youtube.com/c/ZaneDorpsMD To know more about development: https://www.facebook.com/doczane/photos/a.339454020090213/506168183418795/?type=3&theater #NOtoWALKER

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi

Gestational diabetes

Paano ba namin inaalagaan ang mga Mommies with GDM ( Gestational Diabetes Mellitus) Number 1 : DIET MODIFICATION TALAGA. ▶️ I usually refer my patients to a NUTRITIONIST. Mas maayos kasi kapag ganito, na meet pa rin nila ang nutritional needs/caloric requirement while maintaining their target blood glucose level. Usually 5-6 meals/ day sila ( 3 meals with 2-3 snacks) Hindi ok yung bawas bawas lang sa rice daw and sweets. ( bumabawi naman sa bread 😬 ). Ang ending ng iba minsan starvation, hindi na healthy. Meron pa din kayong goal na weight gain per week. Hindi ang goal is mag lose ng weight but slow expected weight gain pa rin. ▶️ Sorry magastos kasi need nyo talaga mag monitor ng sugar everyday (4x a day usually) but this could lessen depending on your monitoring pero hindi mawawala completely ang pag check hanggang before maglabor na kayo and even during labor ( case to case) . May nagtanong sa kin if ok lang daw ba hindi magmonitor? Eh paano natin malalaman na na hit nyo ang target blood glucose level if hindi natin i check diba. Bakit need ma hit ang normal blood glucose level? Syempre para hindi mag complicate sa pregnancy or ma-lessen ang complication sa pregnancy. Pupunta tayo sa Number 2, kapag hindi kinaya ng diet modification, meron talaga na ganito, meron na syang diet plan form Nutritionist pero ganon pa din may matataas na values pa rin. Number 2 is medical na 🙂 ▶️ Metformin and or Insulin na. Dito nag rerefer na kami sa Endocrinologist. 😔 magastos talaga, pero mas magastos kapag hindi nyo to gagawin. Ang worst na pwede mangyari is mamatay ang baby nyo while inside the womb pa. GDM is the most common medical complication of Pregnancy. Lima singko 😅 ✅ Hindi CS agad kapag GDM ka. Actually vaginal birth ang goal namin parati for GDM pero sila kasi madalas mag fetal distress din talaga kaya na CS. Ayaw na ayaw ko nag CCS ng GDM kelangan na solid na indication ko para mag cs. ….kasi gusto ko masarap tulog ko pag uwi ko, mas mahalaga sa kin ang peace of mind ko, kesa sa pf ng CS na hanggang sa bahay naman iniisip ko status ng patient ko post CS. Dr. BEV FERRER

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi