Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Queen bee of 1 bouncy junior
FINALLY!!!
EDD via LMP: February 9 2021 EDD via UTZ/OB: January 30 2021 DOB: January 27 2021 Share ko lang guys kung gano kahirap pero worth it. (INDUCE LABOR) January 25 magpapacheck up lang sana ako sa lying in na aanakan ko. Nung na IE ako 2cm daw so sinalpakan ako ng primrose. Tapos lumabas ako para magpalaboratory kasi super manas ako. So matagal tagal na oras ang hinintay sa result. Bumalik ako sa lying in at yung mama ko nlng kumuha ng result ng lab. Habang lumilipas ang oras nakakaramdam ako ng hilab sa tiyan. Masheket! Sabi ng mga midwives dun admit na daw ako kasi kung uuwe pa baka sa gabi naman umatake malayo pa naman bahay namin. Pumayag ako magpa admit. Sumunod yung asawa ko dala mga gamit. 25 ng gabi puro hilab lang, 26 madaling araw tinurukan yung swero ko ng pampahilab pero wala pa din. Tolerable pa din yung pain. 4cm na ako. 26 ng gabi nagpabili ako sa mama ko ng pinya yung juice at yung fresh na pinya. Naka dalawang in can ako tpos kalahating pinya. 27 ng madaling araw nakaramdam na ako ng sobrang pananakit kaya dinala na ako sa delivery room, 8cm..tinurukan ulit yung swero ng pampahilab. Dun na ako nagsisigaw sa sobrang sakit.. Nag labor ako ng 3am hanggang 8am. Sobrang bilis lang kung tutuusin ng labor ko pero sobrang sakit talaga kasi nanganganay ako. 9 yrs old na kasi yung sinundan. World, meet my baby boy Vince Rayleigh ❤️ Sa mga team January kaya niyo yan.. Para mabilis lumabas si baby, itae niyo nang todo. Makakaraos din kayo 🤞
Hindi pa ready
Ang hirap ng ganito. Araw na lang ang hinihintay lalabas na si baby pero wala pa din kami hawak na pera. Yung mga lying in dito kahit public oobligahin ka magpa swabtest pati yung magbabantay sayo. Ang hirap. Sobrang hirap. Naiiyak na lang ako talaga 😭Gustong gusto ko na lumabas si baby kasi hirap na ako, pero dahil sa ganito ang sitwasyon pinagpipray ko na sana wag muna siya lumabas kasi wala pa ako kapera pera. Sa baby ko, kapit ka lang anak. Magkikita din tayo. ❤️
37weeks and 3days
Mababa na po ba? Due date ko sabi ni OB January 30. Due date via lmp Feb 9. Sana hindi na umabot ng feb kasi sobrang hirap na ako sa gabi.
Team January
Hello sa mga Team January. Konting kembot na lang makikita na natin mga babies natin. Goodluck mga mamsh. ❤️
Advanced Omega (fish oil)
Hello mamsh! Sino po dito nagtetake ng fish oil advanced omega?
Lapit na manganak.. Wala pa din mga gamit. Hays! Kuya Willlllllll 🤣🤣🤣🤣😅😅😅😅😅😭😭😭😭😭😭😭😭
RESETA
Excited na ako.. Pero sobrang kapos na kapos dahil sa lockdown. 😢Ang dami reseta.. Hindi ko naman mabili lahat. Maselan pa ako magbuntis dahil lagi nagbbleed. Yung konting galaw dudugo agad. Sabi ni Doc baka daw mabugok yung baby ko.. Haysss pano na to! God have mercy!
Advanced Omega
Hello mga mamsh. Ask ko lang po kung sino dito umiinom ng advanced omega. 2 months pregnant here.
PWEDENG MABUGOK
Nagpacheck up ako kahapon kasi nag spotting ako at may buong dugo na lumabas. Sabi ng OB mahina daw amg kapit ni baby. Malaki yung chance na pwede siyang mabugok at makunan ako😭 So tinanong niya ako kung gusto ko daw ba ang dinadala ko.. Sabi ko OO 7yrs ko na itong hinihiling sa Diyos. Hirap ako magbuntis kasi overweight ako dati pero simula nung nag Low Card at Intermittent Fasting ako eto na ang resulta.. Nabuntis ako. Sobrang saya pero nandito yung takot na bka isang araw mawala siya dahil sa pagdugo ko. God please help me. 😭🙏
Worried
Ang hirap pala magbuntis lalo na kung lagi kang dinudugo. Yung halos buong araw nakahiga kana lang just to make sure na okay yung baby mo, andun pa din yung takot na baka isang araw tuluyan na siyang mawala. Bakit ganun, amg dami kong kilalang buntis tumatakbo pa.. Umiinom, naninigarilyo pero naipanganak nila ng maayos yung bata. Bakit yung ibang mommies hirap na hirap.. Yung tipong sobra sobra na pag iingat wala pa din nangyari. HAYS!