Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mummy of 1 active cub
BAKUNA
Ang dami kong nababasa na.. Masama daw ang bakuna? Di ko alam ah, pero may mga side effects daw. Kaya karamihan sa mga mommies, hindi nila pinapabakunahan baby nila. Inalagaan lang sa vitamins.
Suka
Hello po. Ask ko lang, nagsusuka kasi yung baby kong 6mos old. May hobby kasi siya minsan na sundutin lalamunan nya. Tapos naduduwal siya. Ngayon kahit di nya sundutin eh sumusuka sya. (Pero di naman ganon kadami prang lungad lang) hanggang kahapon pinakain ko sya ng ginataang kalabasa. Sinuka nya rin lahat. Wala naman syang lagnat at di naman sya nagtatae. Ang sigla sigla naman nya. Wala kasi available na pedia ngayon. Baka po may nakakaalam paano mawala ung pagsusuka nya.
Finally!
Share ko lang nangyareng bangungot samin ng anak ko. 6AM humilab tyan ko. May lumabas na water at dugo. So dali dali kami nagpunta ng Hospital. 7AM na nung nakarating kami. (General Emilio Aguinaldo Hospital) sa may Trece Cavite. Pagdating dun, pinastay kami sa Lobby. 3 kaming manganganak. Pagdating namin sa ER, pinaghintay kami kasi WALA DAW RECORD. (Kaya kami walang record kasi this month lang sinabe samin ng Lying In na bawal na manganak pag panganay) so sige, naintindihan namin. Naghintay kami. Kahit sobra na ang hilab ng tyan ko. 10AM sinabe sakin na nakatae na si baby sa loob ng tummy ko. At di na nila ako tatanggapin dahil wala daw silang nursery. So nagpanic ako. Wala kaming sasakyan or anything. 12NN na nung pinalabas nila kami. Dahil pinagtest nanaman nila ako and shit. After nun, naghanap nalang kami ambulance at nagikot sa buong Hospital. Still, di nanaman kami tinanggap dahil WALA DAW RECORD AT WALANG OB-GYNE ung iba at WALANG ROOM. Siguro mga 5 Hospitals na ang pinagdalhan sakin at sobrang pilipit na ko sa sakit. 3PM na nung nakahanap kami ng matinong Hospital na finally, tumanggap samin. Di na namin inisip kung magkano aabutin ang mahalaga mailabas lang namin baby ko. Dun lang nila sinabe na emergency CS na ko dahil nga nakatae na si baby at delikado na lagay namin. Oras nalang ang binibilang sa buhay nya. Buti nalang naagapan kaming mag ina. Nung nailabas na sya. Naibsan na lahat ng sama ng loob at hirap ko sa lahat. Thankyou lord at di niyo kami pinabayaan. - Joaquinn Elio R. Alban Sept 6, 2019 5:46pm Via emergency cs.
Labor
Ano ano po ba signs ng labor? 40weeks na po kasi ako. 2cm last check up. Then may lumabas na din sakin na yellowish then naging dugo na at parang sipon. Sa ngayon, naglalakad lakad ako, at squat, parang dumoble na sakit ng balakang at likod ko pati puson at pwerta ko. Di ko alam if naglalabor naba ako or normal lang yun. Baka po kasi pag pmunta po kmi ng hospital ngayong gabi e pauwiin dn ako ksi di pa naman ata ako labor? Layo pa naman hospital dito. Tia
Cavite
San po may mura or much better eh ung walang bayad kapag may phil health na hospital? Ftm po.
Team August
Hello sa mga Team August dyan na hindi pa din nanganganak hanggang ngayon kagaya ko. Nakakatakot na nakakainis na. Hayy stress
Ano ang prutas na pampalambot ng cervix? Totoo ba yung pineapple juice?
Ganitong pineapple juice po ba dapat inumin na prutas para pampalambot ng cervix? Wala po kasi kami mabilhan ng pinya talaga. Hindi daw po tag pinya ngayon. :( okay lang din po ba ung nasa lata?
38weeks still no discharge
Pls help po mga mamsh ano pa po ba dapat gawin at kainin para mapabilis pagpapaanak ko?
37weeks&3days.
Normal lang ba na ang dami ko ng sakit na nararamdaman? Ung balakang ko, kadalasan pepe at pwerta ko smasakit. Pero wala naman discharge or kahit ano.
Coffee
Pwde po ba ako magkape kapag magbbreastfeed po ako? Hirap kasi kapag walang kape lalo na ngayong nagbbuntis ako. Sana naman after ko manganak pwde na :( haha