3 months na po yung baby ko sa 27. 4 days na syang iyak ng iyak eh hindi namn sya iyakin. Simula nung nagpunta kami sa bahay ng byenan ko mga after 3 days namin dito, bigla na sya naging ganon. Akala ko may masakit lang sa kanya, kaya pinacheck up namin kaso okay namn daw lahat sa kanya. Nagwoworry lang ako kasi ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganon katagal, na hirap na hirap kami patahanin. May same experience din po ba sa inyo? Kinakabahan kasi ako, kada iyak nya parang gusto ko na rin umiyak kasi nakakaawa. #1stimemom #firstbaby #advicepls
Đọc thêmHello po mga mamsh, tanong ko lang po sino po may same case na twins pinagbubuntis pero isa lang amniotic fluid o panubigan? Nagpapatanong po kasi yung pinsan ko. Kung meron man pong same na case, nagsurvive po ba yung dalawang baby? Thank you po sa mga sasagot. Highly appreciated 😊#advicepls
Đọc thêmHi mga mamsh! Tanong ko lang kung sino po dito yung same case ko na ayaw dedehin ni baby yung other side ng breast? Magkaiba kasi itsura ng nipple ko. Mas malaki yung kanan kesa kaliwa. Ayaw nya nung sa malaking nipple. Nanghihinayang ako sa gatas ko, ang dami pa namn. Sabi kasi nila kapag di nalatch ni baby, mawawala na daw yung gatas. Gusto ko sana ipump kaso 5 days ago palang ako nanganak. #1stimemom #firstbaby #advicepls
Đọc thêmEDD- November 7, 2020 DOB- October 27, 2020 Weight - 3kilos Via CS Delivery Iba pala talaga ang hirap ng CS mom. Pero worth it lahat kapag nakita mo na yung baby mo 😘 Medyo nakakastress lang kasi di ko pa maalagaan ng maayos si baby, sakit kasi ng tahi ko. Sorry baby ko, babawi si mommy pag malakas na sya 😘 Sa mga cs mom din na katulad ko, i salute all of you po 😊 Iba talaga hirap ng cs. #firstbaby #1stimemom
Đọc thêm