sheena profile icon
Kim cươngKim cương

sheena, Philippines

Contributor

Giới thiệu sheena

Preggers

Bài đăng(28)
Trả lời(32)
Bài viết(0)
 profile icon
Viết phản hồi

Our Precious Princess

Gusto ko lang ishare 1 day successful na nailabas si baby. 2nd trimester palang lagi ko ng kinakausap si baby na huwag nya akong pahirapan pag nilabas ko na at thankful ako dahil nakikinig talaga sya. Oct. 28,2020 4am nagising ako para umihi may nakita akong tuldok na dugo sa undies ko. Nung nakita ko un kinabahan and naexcite nako kasi un na ung first sign na malapit ng lumabas. 7am nagising ulit ako 2 tuldok na ng dugo na nasa undies ko pagkaihi ko dun na may dugo ng lumabas pero wala akong nafefeel na pain, 10am nakarating kami sa Lying in pag ie saken 1cm nako and sabi ng bff kong midwife Malambot na daw cervix ko pero masikip ung butas ng pwerta ko. And mag patagtag na ako. After ng check up umuwi na agad kame. At pag kauwi namin dun nako nakafeel ng pain pero tolerable panaman ung para lang may dismenoria. 1pm dun nako nag start magpatagtag, akyat baba sa hagdanan, squat, sayaw, lakad, kain ng pineapple hanggang 6pm ganun masakit na din ung ung puson and balakng ko nun. 7:30 matutulog nako nun, antok and pagod nako kaso nakaka bothered lang kasi ung level ng pain nya is 5/10 na. 8:30pm napabangon ako kasi naiihi ako habang nag hntay ako sa cr, may bumulwak na tubig na pumutok na panubigan ko. 9pm nakarating na kmi sa lying in pag ie saken 5cm nako. Pinag stay nako dun. Lakad and squat ako sa lying in and ung pain nasa 7/10 kada sakit si Lord kausap ko na sya ng bahala samin, na kaya koto. At 10:15pm ie ulit 6cm nako. Sobrang saket nga lang kasi sobrang sikip ng butas ng pwerta ko. Denextros nako nun. 9/10 na ung pain 15 mins. Ung pain na fefeel ko and kada saket ini ire ko. Hanggang 10/10 climax na ung pain na halos gusto ko ng umiyak sa saket naka feel nako ng natatae. Then 10:51 baby is out na. Pinakamasakit lang para sakin ung tinatahian nako, daming tahi sa sobrang liit ng butas ng pwerta ko and buti na lang din 2.6 kls ung baby ko. EDD: Nov 5 DOB: Oct 28 38 weeks and 5 days Laking pasasalamat ko sa App na to and Thank you din mga mommy sa bawat share nio knowledge and experience nio dito. Sa mga mommy dyan have a safe delivery. Always Pray and talk to your baby. And wag din pong mainip kung di papo nalabas si baby, kusa na lang talaga lalabas si baby ng di mo ineexpect. Kain din kayo pineapple naka help talaga sya para lumambot ung cervix.

Đọc thêm
Our Precious Princess
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi