Pa Rant!!!
Naiiyak na lang ako. May ezcema ung baby ko na halos buong mukha, leeg, batok puno na ng pula. Kahapon ng umaga naglagay ng baby oil sa mukha ng baby ko specially sa vandang baba and sa gilid ng ilong ung mama ko para daw lumambot kasi nag dadry talaga. Tas kinausap ko ung friend kong midwife about dun, sabi nya wag daw mag lagay ng baby oil sa face kase lalong mag dadry. So sinabihan ko si mama na wag ng mag lagay ng baby oil. Kinagabihan sobra ngang nag dry ung mukha nya pati tenga nag dry and kasi naka aircon kame and nakakatihan ung baby ko. Tas kanina lang umaga nagulat ako nag lagay ulit ng baby oil si mama sa mukha ng baby ko keso "ito nga ohh natatanggal ung libag nya sa mukha" like di nakikinig saken si mama, naiiyak na lang ako and nafufrustrate kasi lalo lang pinapalala ng mama ko ung face ng anak ko. And ung sabon ayaw nya din papalitan. Like sabi samin ng pedia (cetaphil na may elephant ung tatak ung gamit namin) if di pa sya gumaling mag switch na sa Cetaphil Pro. Gusto ko ng papalitan kaso sinasabi nya Wag na, Normal naman yan sa bata mawawala din ung mga pula. May pinapahid din kaming ointment prescribed ng pedia na Calmoceptive but still di parin talaga nawawala miski sa leeg and batok nya. Nag kanda sugat sugat na ung mukha ng baby ko mag 1 month palang this 28 😭😭😭 Sobra na talaga akong nafufrustrate.