Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Queen bee of 1 sunny boy
HEADACHES
Exactly 1 month and 4 days na simula nanganak ako via Cs. Bakit kaya ganun yung sakit ng ulo ko di nawawala or kung mawala man bumabalik din agad and one thing mabigat. Tapos ngayon nakakaramdam ako ng sakit ng likod and batok. Binat po ba yun? Bukod sa suob ano pa po pwede gawin? P.s baka po sabihin niyo magsabi sa ob. Hindi po kase kami okay ng ob ko and last niyang sinabi e di niya ako tutulungan sa gamot. Kaya di ako makapagpacheckup sa kanya. And nagtanong ako sa ospital na nagpaanak sakin di ko po siya ob biglaan kase dun ako nasugod pero ob ko nagpaanak sakin via cs tapos after nun wala na basta di kami okay yun nga sabi nung isang doctor na nagpaanak sakin na baka sa spinal ganun baka daw inangat ko agad ulo ko nun pagtapos ng operation ganun. Please respect and salamat sa sasagot sobrang worried lang ako baka kase may makatulong sakin dito or baka may katulad ako dito. Pero alam ko naman po na dapat mag seek nako medical advice try lang ako dito. Salamat, keep safe! 😊
Family Planning
Hi mga momsh. Turning 1 month na simula nanganak ako. About family planning, natatakot kase ako mabuntis ulit kung sakali tapos cs pako. Tanong ko lang po kung anong pills yung pwede ko inumin na nakakapayat din po? Meron po bang ganun? Or pag nagpainjectables ba papayat? Salamat po sa sasagot. 😊
My problems after cs
Na cs po ako 23 days ago. Then ngayon nakakaramdam ako ng cramps sa puson parang magkakamens then masakit balakang. Wala ako mapagtanungan especially dati kong ob, nagkaproblema kase kami kaya di nako tinulungan. Grabe yung ob na yun hays. Normal lang po ba sa na cs na masakit puson and balakang? And nagsusuka din po ako. Di kaya may uti lang? Hays hirap ng walang ob mapagtanungan. Salamat po sa sasagot.
CS
23 days na po simula nung nacs ako. Tanong ko lang po kung kailan pwede lumabas or should I say gumala ganun? Sabi kase nila bawal daw po mahamugan ganun or bawal pa lumabas baka masumpit ng hangin. Pero inalagaan nako hilot kase nanakit ulo ko kaya nagpaalaga ako hilot baka binat kase yun. Kailan po kaya pwede maglalabas? Salamat