FTM sharing my D-day experience
Sept. 12, 2020 4:33pm 15hrs labor and worth the pain. FTM pero yung experience grabe. 40w3d na si baby nung nilabas ko sya edd ko is Sept 9, first option na paanakan is Lying in pero nirefer nila ako sa hospital kase nga overdue na daw ako at based sa ultrasound ko 3.4kilo na si baby at stuck 2cm padin, sobrang worried ako kase sabi baka ma cs ako so punta kami hospital at pinarepeat utz ako at nakita 3.1kilo si baby at 38weeks lang ako sa AOG pero 2cm padin balik na lang daw pag nakafeel na ng active labor. Days passed and Sept 12, 1am nafefeel ko nasakit na puson at balakang ko pero tolerable pa sya kaya waiting muna ako hanggang 6am ginising ko na si LIP kase mayat mayat na yung sakit pero 8am pa kami nakadating sa hospital pag check sakin 4cm pa lang at pinapabalik ako after 4hrs, 3hrs pa lang bumalik na kami kase sobra na yung sakit ayaw ko ng makipagusap kahit kanino at nag leak na yung waterbag ko pero konti lang, pag check sakin 4cm padin at leaking bow na nga daw ako at ayun nirefer nanaman kami sa iba kase di daw nila kaya baka ma cs daw ako. Sobrang iba na yung naffeel ko tinakbo na kami sa JP Rizal Calamba at pag dating dun ng 2pm waiting pa at pinag xray pa ko. 4cm padin pero nilagyan nila ako ng 6 eveprim. Yung sakit sobrang di ko na kaya pero di nila ako inaassist kase need nila xray result which is 5pm pa daw grabe umiyak na ko sa sobrang sakit kase gusto ko ng umire dahil ramdam ko ng lalabas pero pinipigilan ko kase wala pa ko sa delivery room. 4pm pinasok na ko pero di padin sa DR, sa sobrang pigil ko napairi ako ng konti tas sigaw ng di ko na kaya at saka lang nila ako chineck pati yung diaper ko at nakita nila bunbunan ni baby kaya saka lang nila ako pinasok sa DR, isang irihan lang at lumabas na nga 4:33pm after non yung tahi na sunod ang naramdaman ko parang walang anesthesia kase ramdam na ramdam ko :( another kalbaryo yung nasa ward na kami at dalawa kaming buntis kada bed sobrang worst talaga at nag stay pa kami dun ng 2days. Then ending di din namin nagamit philhealth namin kase sobrang worst ng assistance nila sa patient kaya umuwe na kami at nagbayad na lang kesa mag stay pa ng matagal dun. Lesson learned: Dapat always prepared lalo na financial, although kaya naman mag private pero mas inisip padin kase namin yung magiging saving at ayun nga tinrasfer na kami kung san san na hospital at nasa panic stage kami. Ngayon alam ko na yung feeling ng sakit sa labor at panganganak kaya nagdecide kami ni LIP na mag family planning talaga. #1stimemom
Đọc thêmHi mga mommy, i want to share lang kase this week sobrang worried ako due to malapit na ko sa edd ko (Sept 7) based on my LMP and Utz nung 30weeks ako, so now nag pa ultrasound ulit ako at nabago yung edd ko which is Sept 16 na at ang bilang is 38weeks pa lang ako base sa laki ni baby sa ultrasound. Ang dami ko nababasa dito sa Tap na mas accurate ang utz compare to LMP. Kaya sa mga mommies na worried like me dahil FTM try to calm down at wag masyado magisip. Sa ngayon kampante na ko at di masyado nagiisip kase last few weeks lahat na ginawa ko, walking, squats, insert and orally intake ng eveprim tas kain ng pineapple etc. So ngayon kinakausap ko na lang si baby na kung kelan nya balak lumabas ready naman na ko lagi haha ayaw ko na lang mastress kase yung iba advance sa edd nila. #theasianparentph #firstbaby #sharekolang
Đọc thêmShare ko lang mga mamsh. Lagi nasakit yung pempem ko na parang may tumutusok lalo na pag naglalakad ako. So medyo worried ako kase malapit na ko sa edd ko and no sign of labor padin. I decided na magpa ultrasound para malaman kung in position na ba si baby at nag pa urinalysis na din ako, in case na may UTI ako dahil sa naffeel ko. Ultrasound done at sabi okay naman daw at nakaposition na si baby then urinalysis result came, ang taas ng UTI ko kaya pala ganon. Dumeretso ako sa lying in na pinagccheck upan ko kase sobrang sakit talaga ng sa puson ko, nag pa IE ako pero 2cm pa lang ako tas niresetahan na ko ng antibiotic para sa UTI ko huhu sana makaraos na ko this week kase parang nastress ako bigla na ang tagal tumaas ng cm ko. Last 2weeks stay lang ako sa 1cm tas ngayon 2cm pa lang ako. Nag squats, walking at eveprim na din ako. Pls pa advice naman po mga mommy. Salamat. #1stimemom #advicepls #theasianparentph
Đọc thêm