Resnie Jane Callego profile icon
VàngVàng

Resnie Jane Callego, Philippines

Contributor

Giới thiệu Resnie Jane Callego

Happy wife, Happy mom.

Bài đăng(8)
Trả lời(30)
Bài viết(0)

Anyare sakin?😩

First time to nangyari sakin. Im 31 weeks sa aming first baby, at so far okay nman ang pagbubuntis ko. Kanina habang nagpiprito ako ng isda naglalaro ako ng woody battle para malibang habang binabantayan ko yung piniprito ko. Suddenly nkafeel ako ng pagkahina parang pagod na pagod ako pero hnd ko lang yun pinansin. Ipinrito ko na yung huling isda pero dahil nga napakaclumsy ko ngayon paglagay ko sa palayok parang bumalintong yung isda at tumalsik sakin yung mantika na sobrang init. Natalsikan ako sa leeg at sa mukha. Inis na inis ako, naiiyak na ako pero pinigilan ko kasi ayaw ng asawa ko makita akong umiiyak. Pumunta ako ng banyo para maghilamos kasi ang init tlga nong mantika. Nong lumabas ang asawa ko kasi may binili sa tindahan, dun na ako umiyak. Tapos naligo nalang ako habang umiiyak. Ewan ko ba. First time po ito nangyari sakin, hnd ko maintindihan ang sarili ko kanina. Para akong na disappoint masyado sa sarili ko, at na stress talaga ako. Pagbalik ng asawa ko napansin nya na umiiyak ako sa banyo, kinomfort nman nya ako kaya kumalma din ako. Pagkatapos non naging okay din ako. Ngayon naisip ko sarili ko kanina para akong na OAhan sakin. Ano ba nangyari sakin kanina? Ok nman po kami ng asawa ko, wala akong problema samin dalawa kasi napaka smooth nman ng relationship namin pati narin sa pamilya namin. As in wala po tlga akong problema na iniisip ngayon sa awa ng Dios. Iniiwasan ko rin yung mga bagay na nkakapagstress sakin. Napaka positive ko pong tao lalo na ngayon na buntis ako. Pero kanina sadyang hnd ko lang tlga alam bakit nangyari yun sakin. Hnd ko talaga napigilan ang sarili kong umiyak. Para akong sumabog. Ngayon natatakot ako baka mangyari yun ulit. Sana nman hnd kasi napakabigat po tlga sa dibdib. Sino po sa inyo nkaranas ng ganito? Ano po ginawa ninyo? Normal lang po kaya ito? Salamat po sa mkakasagot. Ingat po tayo lahat.😊😊

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi

Doc magiging spoiled ba ang baby ko kung parati ko siyang kakargahin kapag umiiyak?

Sabi kasi ng iba hayaan ko lang daw at baka masanay at baka maging spoiled. Hindi po totoo na magiging spoiled ang baby kapag parating kinakarga. Dapat niyong alalahanin na simula nung pinanganak sya ay nagkaroon sya ng adjustment period. Dati nasa loob sya ng matress mo, medyo maligamgam ang swimming pool niya sa loob. Ang sustansiya niya ay automatic pumapasok sa pusod niya na galing sa kinakain mo, kaya halos wala syang nararamdamang gutom dahil matakaw ka , joke lang. Naririnig niya ang boses mo ng malinaw at kung tulog ka ang malakas na hilik mo naman. Joke uli. So parang may consistent na sound system sya. Sali mo na ang beat box na tunog ng puso mo na para syang napapahead bang habang kanyang pinapakiggan. Sa lakad mo palang ay parati mo syang nayugyug at naduduyan kaya ang sarap ng kanyang pakiramdam sa loob ng matress mo. Nung pinanganak sya ay biglang nanglamig ang balat niya. Parang yung feeling na lumabas ka sa dagat na may malamig na hangin. Gusto mo ng tuwalya diba? Akala niya ay panandalian lang at ibabalik lang sya uli sa maligamgam na swimming pool niya, pero hindi pala. So dadaan sya denial stage tapos acceptance stage para move on na sya. Sa mga stage nayan kailangan andyan ka upang di sya gaanong mahirapan sa adjustment. Isipin niyo 9 months yun! Isipin mo kung nagbreak kayo nung boyfriend mo na 9 months na steady kayo, gaano katagal ang adjustment period? Hugot ng konte. Mahina pa ang mata niya kaya di niya alam kung anong nangyayari. Ang sa isip niya ay iniwan sya. Isip niya ay wala syang kasama. Isip niya na baka may malaking ibon o halimaw na biglang kukuha sa kanya. Kahit kausapin mo at sabihin mong andito ako baby mahal kita di kita iiwan ay di niya ito naiintindihan. Para sa baby ang pagkarga mo at pagdikit mo ng katawan niya sa init ng katawan mo, kapag narinig na niya uli ang pitik ng puso mo at malapit na tunog ng boses mo at ang akap na parang nasa loob sya uli ng matress ay para sa kanya yun ang ibig sabihin ng , "I love you, I am here, I won't leave you". Kung gusto mong lumaki syang hindi insecure at confident, wag mong ipag-kait ang karga mo. Dr. Richard Mata Pediatrician #drmatakargaspoiledba #Repost #CopyPaste #CTTO

Đọc thêm
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi