Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Preggers
Baby
Help naman po. Bakit po kaya di mapakali ang baby ko? Ganito po nangyari. Simula 7am hanggang ngayong 6pm wala pang mahabang tulog si baby, usually naman po kasi 10am after namin siya paliguan tulog na siya at nagigising ng mga 3pm then balik po tulog at nagigising ng 6pm. Then gising po 6pm to 10pm. Ngayon po sa twing ililipat ko na sia sa duyan after ilang minutes nagigising sia kaya balik ulit po padede para makatulog. Naka ilang attempt na akong ilipat siya pero lagi siang nagigising. Then napansin ko po parang dahil lagi siyang dede ng dede sa akin ng matagal, baka po wala na siang nadede, naubos na po kaya ung milk ko o konti nalang nakukuha niya. Kaya sa katagalan niyang pagdede ay parang naiirita na siya. Yung sipa ng sipa at magalaw na yung mga kamay niya. Tapos parang gusto na niya bitawan yung dede ko kaso kagat kagat naman niya. Kapag tinulungan ko naman siyang ilalis sa dede ko, naiyak at gusto ulit dumede
breast pump
Ano po ba size ng flange ng Real Bubee na Breast pump? Masyado po kasing malaki sa aking kaya balak kung bumili ng panibagong pumping flange sa Shoppee yung mas maliit po. Ang bibilhin ko po yung mas maliit ang size sa Real Bubee.
Side-Lying
Ask ko po paano niyo pinapa-burp si baby kapag side-lying pinapadede especially po sa gabi. Salamat. :)
PPD ( Postpartum Depression )
Hi kapwa ko mommies. Ang hirap kapag na inatake ka ng Postpartum Depression, di ko mapigil yung iyak ko. It started last week (2 weeks after giving birth). Sobrang inis ko sa asawa ko, naka leave nga siya sa work niya para maalagaan kaming mag-ina pero lagi siya wala sa bahay. Tsinempuhan niya kasi na kumuha ng Drivers License. Kaso it took him 3 days bago siya nakakuha kasi lagi siya inaabot ng cut off. Aalis siya ng maaga at uuwi ng hapon, so ako maiiwan sa baby namin. 3 consecutive days yun kaya napagod ako then noong pang 4th nagpunta sia bahay nila para sunduin si mama (mother in law) para makita si baby. Ang tagal na naman niya dumating at yun din ko na napigil noong dumating siya, sa sobrang inis ko umiiyak ako at ayaw ko siya makausap. Ang reason ko kasi nagleave nga sia para maasikaso kami, lalo na ako na bagong panganak kaso palagi naman siyang wala. Ako mag-isa nagpapaligo kay baby, nag-aalaga, at nagpapadede (Breastfeed kami). Yung gusto ko magpump kasi gusto ko pahinga yung dede ko ang sakit na pero di ko magawa kasi nakasalpak si baby sa boobs ko o kaya hinehele ko siya. Tapos ngayon po naiinis na naman ako sa kanya, nakabalik na po siya sa trabaho, magkachat kami tapos may finorward sia sa akin na need na forward din doon sa isa namin friend. Ang kinainis ko po ay minamadali niya ako, around 1pm niya po sinend then ngayon 6pm di ko pa din nasisisend kasi busy po ako kay baby. Sabi ba naman niya sa akin sana pinorward ko na daw kanina kasi baka abutan kami ng breaktime w/c is 6:30pm to 7:30pm. At iyun na naman na triggered yung PPD ko. Umiiyak na naman ako sa sobrang inis kasi bakit di niya maintindihan na ang hirap mag alaga ng bata tapos papaspasin niya ako. Although nagsorry na naman siya, naiinis pa din ako sa kanya. Grabe itong Postpartum Depression ko, yung asawa ko nagtitrigger pero siya din yung gamot ko. All I want ay maiintindihan niya ako at tulungan niya ako sa baby namin.
Masakit na boobs
Momshie okay lang ba itong ginagawa ko. Breastfeeding po kmi ng 8 days old kong baby. Ang sakit po ng nipple ko, lalo na kapag nagrurub siya sa damit ko. Then naiisip ko na ilagay yung binder sa dede ko para walang friction yung damit sa utong ko. Komportable po sa pakiramdam, kaso iniisip ko baka ma halt yung supply ng milk ko.
Hairloss
Gusto ko po sana magpagupit kaso nabasa ko yung postpartum hairloss. Postponed ko po ba muna yung plano kong magpagupit? Currently 8 days na ang lumipas after ko manganak.
Tulog ng tulog
Dapat ko po bang gising si baby kahit himbing po ng tulog niya para dumede? Breastfeeding po kmi. 6 days old palang po siya.
Waterbag?
Hi momshie, Kanina po kasi feeling ko pumutok na yung panubigan ko. Ganito po kasi naramdam ko, parang yung malakas yung regla mo, may bumulwak na tubig sa panti ko. Inobserve ko siya for 30mins, minsan di siya nalabas then maya maya nilalabasan na naman ako. Nagpanic kami kaya pumunta kmi sa Lying in, ini-IE ako, intact pa naman daw panubigan ko at 1cm palang ako. So bumalik kasi sa bahay. Ngayon, paminsan minsan nararamdaman ko pa din na may lumalabas sa akin. Di siya tuloy tuloy pero parang wiwi siya. Ano kaya nangyayari sa akin, may naexperience po ba kayong ganito? 38 week and 4 days pregnant po.
Anti Tetanus Vaccine
Momshiee last May 13 lang ako nakapagpa turok ng anti tetanus, 1st shot. Pinabalik ako sa June 3 for my 2nd shot. Ngayon ay 37 weeks preggy na ako. Ask ko lang kung okay lang na 1 shot lang ang naiturok sa akin? Nag-aalala kasi ko na baka papaanak na ako bago mag June 3 tapos di ko na maabot yung 2nd shot. Okay lang po na iyun? Salamat sa lahat ng sasagot.
Newly Weds
Mahigit 2 taon at 7 buwan kaming magkarelasyon ng akin jowa at noong Pebrero 2020 kami ay nagpakasal dahil nabuntis po ako. Sa kasalukuyan kami ay nakatira ngayon sa aming bahay. Ngayon magkasama kami sa iisang bahay lalo namin nakikila ang isat isat. Isa sa mga madalas niyang napupuna ay yung mga kamag-anak ko. Magkakalapit lang kasi kami ng bahay kaya kung minsan hinatian namin sila ng ulam. Napansin niya na hindi daw sanay yung mga pinsan ko na magsabi ng thank you kapag may natatanggap. Narealize ko oo nga, siguro nasanay lang kami sa ganun, pero minsan naman nagpapasalamat naman sila. At mababait naman sila. Sa akin naman, di ko sinasabi sa kanya baka kasi ma offend siya pero doon kasi sa bahay nila di gaanong malinis. Kaya minsan ilang akong gumalaw at kumain. Yung sofa nila at mga una ay nanggigitata at walang punda. Nakalakihan ko kasi talaga dito sa amin na mitikolosa si mama lalo na sa kalinisan. Pero wala naman ako problema sa pakikisama sa byenan ko at mga kapatid niya, mababait sila. Lahat nga damit ng baby ko na lalabas ngayon June ay mga pinaglitian ng mga pamangkin niya. Pero di naman big deal sa akin. Natutuwa lang ako na lalo pa kaming nagkakakilala ng asawa ko. Btw mga 4 o 5 years from now pa ng plano nming magbukod, sa ngayon di pa kasi talaga kaya ng budget.?