Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Preggers
Colic or acid
Mga mi. Help. Baka may same case sa inyo dito. 1 month na Lo ko sa 22. Mixfed sya. And sobrang takaw sa bote. Before consistent yung hingi nya every 3 hours. 2oz. Ngayon tig 1 hour nalang. And ang hirap nyang padighayin. Kaya minsan kinatatamaran ko na lalo sa madaling araw pero madalang lang naman. Ginagawa ko pag di ko napadighay pagtapos dumede, dun ako sa bago sya dumede. Lately napapansin ko pag pinapadighay ko sya umiiyak sya. Para syang nasasaktan. Normal lang ba yon? And kahit napadighay ko na lumulungad sya habang tulog. Feeling ko balewala yung mga dinedede nya. Nestogen classic gatas nya. Ok naman sya nung una kaya lang bat parang lage syang may kabag?tas minsan di na nauubos ang 2oz. Para kasi syang nalulunod pag dumedede. Di kaya reflux din?di hiyang sa gatas? Kaka stress. Natatabi ko na tuloy sya ng higa imbis nasa crib nya sya kasi lage akong nakabantay pag feeling ko nalulungad sya. Next week pa check up namin.
Newborn baby poop
Hello momshies. Tanong ko lang sana if normal lang ba poop ni LO ko? Turning 3 weeks na kami bukas.Para syang avocado. Medyo malagkit. Minsan naman yellow na may buo buo. Pero mas madalas naka formula sya kasi konti lang breastmilk ko. And mas madalas din sa kanan sya dumedede. Ayaw nya sa kaliwa ko. Pansin ko din di na sya dumudumi after every feeding. Parang naiipon na poop nya kaya parang minsan bloated sya. Di nya malunok ng maayos yung gatas. Lumulungad kahit napapa burp. Ang hirap din padighayin sa totoo lang . Kaya minsan din di ko napapaburp. Pinapahiga ko lang sa nursing pillow para naka angat pa din ulo. After 30 mins tsaka ko pinapahiga ng flat. Help mi. First time mom here.
Success delivery
Admitted on: June 11,2023 Discharged on: June 13,2023 Reason: Mild labor (triggered by i.e 😅) Stock 2cm Edd: July 4,2023 Dob: June 22,2023 Labor in: 2 days (triggered by i.e 😅) Baby boy 2.3 Via normal delivery with laceration Family planning I.U.D
38 weeks 1 cm
Mga mi. Stock 2cm ako nung na admit ako last week kaya pinauwi ako. Check up ko now and na i.e ako bumalik ng 1cm. Anong gagawin mi? July 4 edd ko. Ipapaubaya ko naba to kay partner? 😂 Panay sakit lang ng puson at paninigas eh. Tamad naman ako maglakad kasi para akong hihimatayin. Kailangan naba ng resbak ng kamanyakan to? 😭😂 medyo nakalimutan ko na mga moves eh. Almost 1 year ding na tengga to si bessy eh. Baka manibago. 🤣
Check up lang sana nauwi pa sa admit. 36 weeks
Share ko lang mga mi. Nung friday ng umaga pag gising ko sobrang sakit ng mga binti ko. Halos di ko maapak at mailakad. Talagang gusto ko ng iyakan. Yun yata yung pulikat na tinatawag. Tiniis ko yun hanggang hapon di parin nawawala kaya chinat ko na ob. Tinanong nya anong bp ko sabi ko nung una mababa over ko nasa 58 lang gawa ng ilang gabi na kong madaling araw na nakakatulog. Pero nung sumunod na bp ko normal na. Then tinanong nya kung kumusta movement ni baby. Dun ako nabahala kasi less movement sya that time so yun na nga sabi ni ob er na ko. Magpa bps and nst. Pero pinakiramdaman ko muna hanggang mag gabi movement ni baby and less talaga dagdag pa na hirap akong makalakad pero nag decide parin akong pumuntang er non. So yun na nga pagdating ko ng er sinabi ko nararamdaman ko. Sabi ko magpapa nst ako. So sinalang na ko ok naman heartbeat ni baby. Hanggang nung in i.e ako. Pag tanggal biglang bumulwak yung dugo. Normal lang daw yon sabi nung ob (not my private ob kasi sa public ako pumunta sa papaanakan ko). Pero di pa rin nawala yung dugo as in tumutulo talaga tas dun na nag start yung contraction ko which is bago ako nagpa er wala akong kahit anong naramdaman pa tlaaga maliban lang don sa pulikat and less movement ni baby. Maya maya sinalang ulit ako sa nst so yun na nga nakita na na nag ccontract na ko. In i.e ulit ako so na open cervix na nga ako. Sa unang i.e nya pala close pa ko. Yun na nga pinag decide tuloy akong ipa admit na di ko talaga inexpect. So ngayon stock ako ng 2cm and may konting bleed nalang kaya pinauwi muna ako. Ok na rin kasi na inject na rin ako ng pampa matured ng lungs ni baby kasi nga di pa sya full term. Sino mga naka experienced ng ganto mga mi? Share nyo naman anong ginawa nyo and anong nangyari sa inyo?
bps at 35 weeks
Mga mi. Kampante na ko kasi perfect score ko. Pero sabi ni Ob malaki daw si baby. Baka pumalo pa daw ng 3kls sa susunod kaya pinagbawal na ko ni doc magkakakain kain. Gatas gatas nalang daw muna. Base daw kasi don sa una nung niraspa nya ko sa first baby ko maliit daw ang pelvic bone ko. Baka daw pag lumaki pa eh mahirapan ako at sumabit balikat ni baby. Imagine.in ko pa daw sa ulo ni baby ngayon na 9cm na. Dagdag pa na ang payat ko. Kaya pala hirap ako at bigat na bigat kahit pa sabihin nila na maliit lang daw tyan ko yun pala purong baby na. Sino same case sakin dito mga mi? July 4 edd ko pero feeling ko di na aabutin ng july to. And sa placenta ko mga mi grade 2 maturity pa. Pwede na kaya manganak kahit grade 2 lang? Wala naman kasing binanggit din si ob tungkol sa placenta ko. May nabasa lang ako kaya napatanong ako. Ang sabi nya lang 37 weeks pwede na ko manganak.
Breastmilk storage
Mga momshie. Pwede ba yung ganto pang store ng breastmilk? Gusto ko kasing magpa breastfeed. Nakabili na ko ng yoboo na electric pump kaso wala kaming ref.
Watery discharge at 34 weeks
Mga mamshie. Ano itsura ng watery discharge? Napapaisip kasi ako sakin. Yung sakin kasi may white mens onti tapos may parang konting basa naman sa paligid. Normal lang ba yon? Yan pa naman binabantayan ko yung pag leak ng panubigan. Di ko pa nababanggit kay ob. Sa monday pa balik ko. Tapos 2nd week pa ng june schedule ko ng ultrasound. Last ultrasound ko nung march pa.
Bleeding hemmorhoids at 33 weeks.
Sino dito may hemmorhoids? Nabigla ko na naman yung pag poop ko kanina kaya parang na trigger na naman sya at dumugo. Kahit tapos na ko mag poop meron pa din lalo na pag nakaupo ng matagal. Napa praning tuloy ako iniiisip ko baka vaginal bleeding na.
32 weeks.
Bat kaya di ako binibigyan ng OB ko pati sa center tsaka sa hospital ng request for ogtt? Yan nalang yata ang di ko nagawa. Dun ba sila nag babase sa Blood sugar yung tinutusok lang sa daliri? Kasi normal lang naman akin don. Pero 6 mot palang ako nun. Pati ultrasound kung di ako nagsabi kanina di ako bibigyan. Gusto ko sana ngayon na pero sabi ng center sa katapusan daw. Tinanong ko kung pati sa laboratories no need na daw kahit nung march palang yon. Ilang beses ba nag uultrasound and laboratories sa 3rd trimester? Feeling ko kasi dami kong nararamdaman. Kaya todo kontrol na ko sa kinakain ko. Di na ko halos mag kanin. Sa tanghali nalang ako bumabanat ng kain pero more on gulay parin less kanin na. Sa umaga tinapay nalang. Sa gabi konting kanin lang din. Hirap na kasing bumanat ng kain kahit gusto ko pa. Parang sasabog na tyan ko. Tas hirap pang huminga at matulog. Parang habol hininga lage. Feeling ko pa nahihilo ako. Ok naman bp ko. 60kls na nga lang ako na dating 45 kls lang. O baka nanibago lang ako sa bigat ng katawan ko.