32 weeks.
Bat kaya di ako binibigyan ng OB ko pati sa center tsaka sa hospital ng request for ogtt? Yan nalang yata ang di ko nagawa. Dun ba sila nag babase sa Blood sugar yung tinutusok lang sa daliri? Kasi normal lang naman akin don. Pero 6 mot palang ako nun. Pati ultrasound kung di ako nagsabi kanina di ako bibigyan. Gusto ko sana ngayon na pero sabi ng center sa katapusan daw. Tinanong ko kung pati sa laboratories no need na daw kahit nung march palang yon. Ilang beses ba nag uultrasound and laboratories sa 3rd trimester? Feeling ko kasi dami kong nararamdaman. Kaya todo kontrol na ko sa kinakain ko. Di na ko halos mag kanin. Sa tanghali nalang ako bumabanat ng kain pero more on gulay parin less kanin na. Sa umaga tinapay nalang. Sa gabi konting kanin lang din. Hirap na kasing bumanat ng kain kahit gusto ko pa. Parang sasabog na tyan ko. Tas hirap pang huminga at matulog. Parang habol hininga lage. Feeling ko pa nahihilo ako. Ok naman bp ko. 60kls na nga lang ako na dating 45 kls lang. O baka nanibago lang ako sa bigat ng katawan ko.