Colic or acid

Mga mi. Help. Baka may same case sa inyo dito. 1 month na Lo ko sa 22. Mixfed sya. And sobrang takaw sa bote. Before consistent yung hingi nya every 3 hours. 2oz. Ngayon tig 1 hour nalang. And ang hirap nyang padighayin. Kaya minsan kinatatamaran ko na lalo sa madaling araw pero madalang lang naman. Ginagawa ko pag di ko napadighay pagtapos dumede, dun ako sa bago sya dumede. Lately napapansin ko pag pinapadighay ko sya umiiyak sya. Para syang nasasaktan. Normal lang ba yon? And kahit napadighay ko na lumulungad sya habang tulog. Feeling ko balewala yung mga dinedede nya. Nestogen classic gatas nya. Ok naman sya nung una kaya lang bat parang lage syang may kabag?tas minsan di na nauubos ang 2oz. Para kasi syang nalulunod pag dumedede. Di kaya reflux din?di hiyang sa gatas? Kaka stress. Natatabi ko na tuloy sya ng higa imbis nasa crib nya sya kasi lage akong nakabantay pag feeling ko nalulungad sya. Next week pa check up namin.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hay mama, yan ang hirap talaga especially pag gabi, I can feel the stress mo dito! Ang baby mo sounds like it could be reflux or colic or kahit hiyang lang sa formula, pero honestly kailangan mo talagang malaman ng doctor next week kasi parang may discomfort talaga siya based sa crying at the arching, better safe than sorry. A few of us nag-experience ng similar, yung isa sa friends ko switched formula tapos nag-improve, pero yung isa naman doctor advised positioning at smaller, frequent feeds so dapat talagang ma-assess ng pediatrician mo directly. For now, try keeping baby upright during and after feeds for at least 20-30 minutes, and when you do burp keep her in that position rather than laying flat right away, it helped some of my mum friends. Stress din yung feel ng baby kaya breathe, mama, you're doing your best!

Đọc thêm