Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Dreaming of becoming a parent
Goodbye My Baby Nisha Calixa 😭👼my 18weeks baby 😭
Gusto ko lang po ilabas yung lungkot ko kasi iniwan na po ako ng baby Nisha Calixa ko. 😭😔 Nov. 30 mga bandang 2am ng madaling araw masakit na yung balakang at puson ko. Which is di na ako nakatulog ng maayos nakakaidlip lang pero magigising ulit pag sumasakit. Araw din ng check up ko ng Nov. 30 kaya di na rin ako nagtuloy tulog ko 5am gising na gising na ako. Pabangon bangon na ako kasi di na ako mapakali masakit talaga puson at balakang ko. Kaya pa naman ang pain kaya di ako ganun nagworry kasi madalas ko sya maramdaman. Mababa kasi matres ko at Nov. 1 pa lang dinudugo na ako. Muntik na ako makunan nung Nov. 4 kasi nilalabasan na ako ng malalaking dugo at parte ng inunan. Pero nung nagpacheck up ako sa Ob ko okay naman daw baby malikot niresetahan ako pampakapit. At gamot sa contractions ng tiyan ko. Pero nung IE ko nun open na open daw cervix ko pero ayun nga wla naman ibang sinabi si ob kundi continue sa pampakapit. Not knowing na pede pala tahiin ang cervix kapag open cervix kasi kapag open daw e anytime pede lumabas ang baby. Eto na nga po nangyari, aalis na sana kami nung Nov. 30 para magpacheck up pero parang di ko kaya kasi sa sakit ng puson ko at balakang di nawawala as in umiiyak na ako hanggang sinabi ko sa asawa ko na" dalin na ako sa ospital hindi ko na kaya" Bukid pa kami malayo sa bayan. Tumawag na sila sa ambulansya dito sa barangay namin habang inaantay lalo sumasakit at ramdam ko na may lalabas na. May pumutok na at para akong naihi lalo akong umiyak at natakot. After 2 mins napahiyaw ako sa sakit sabay paglabas ng baby ko. 😭😭😭😭nanghina na ako. Nakapa ko na paa nya. Sa bahay pa lang nailabas ko na sya. Di na inabot sa ospital. Nanghihinayang lang ako kasi nung niraraspa na ako sabi ng Ob ko " sa susunod na pagbubuntis mo tatahiin na kita" may option naman pala na tahiin cervix ko noon pa lang di naman sinuggest sakin. 😔😔😔 Naagapan sana buntis pa sana ako. Regular naman ang check up ko. Kulang na lang tumira ako sa clinic ng OB ko kasi maselan ako. Kumpleto sa vitamins pampakapit. Bed rest kung bed rest ako. Iningatan naman namin ang baby ko. Pero kinuha pa din sya sakin. 😭😭 Sobra pong masakit di ko po matanggap. Di man lang nabigyan ng chance ang baby ko na mabuhay. 😭😭😭😭 Di man lang ako nabigyan ng chance mapalaki sya. 😭😭😭 Sabik at excited pa naman kmi sa kanya. Lagi ko naman pinagdarasal na kahit Lord makaisa lang ako. Okay na ako magkaanak lang ako. Kasi nga po sobrang selan ng pagbubuntis ko. At pangalawang beses ko na po ito na nakunan. Siguro nga po di pa rin po ito para samin. Pero minsan naiisip ko po parang ang unfair po. 😭😭😭😭 Yung iba ayaw naman magkaanak , magulo ang pamilya, hirap ang buhay. Ako naman po masaya naman po pagsasama namin ng asawa ko, ready naman na po kmi magkaanak. Pero di pa din po kami pinagbigyan. 😭😭😭😭Masakit lang po talaga. Di ko po alam kung ano po plano ni Lord skin. Pero hinahabilin ko na po sa kanya ang Baby Angel Nisha ko. Baby Nisha tulungan mo ako makabangon ulit. Sa ngayon masakit, sobra akong nalulungkot. Lagi kita ipagprapray. Bantayan mo kami ng Dadiii. Mahal na mahal ka namin Baby ko. 😭😭😭
SSS SICKNESS BENEFIT MAKAKAAPEKTO BA SA MATBEN CLAIM?
Hi po ask ko lang makakaapekto ba ang pagkakaron ng sickness benefit sa matben. Nag file kasi ako for month of october-december sana. Approved na yung October. Pero ang EDD ko naman is May 2021. Magkakaproblema kaya ako pag sa matben claim na? Thank you sa sasagot. Godbless!
Matagal na di makapasok dahil sa pagbubuntis
Yung case ko po kasi regular employee naman po ako pero kakaregular lang po sakin last august. Tapos september nalaman ko buntis ako at sobrang maselan ako. september 16 nagstart na ako magbedrest until now. Muntik na ako makunan neto lang nakaraan inadvise n po ng Ob Na pahinga na hanggang makapanganak. Possible ba na tanggalin na ako sa work if ganun yung case ko kasi matagal na di makakapasok? Di ko pa kasi naoopen up sa Hr namin.
Sss sickness approve
Ask ko lang po sino po mga mommy ang nakapagfile ng sickness sa sss tapos naapprove. Gano po kaya katagal yun maclaim? Employed po ako. Thank you po sa sasagot! :)
Sss sickness status
Ask ko lang po ano po kaya ibig sabihin pag nagtext si sss ng ganito. Denied po kaya o ibabalik po requirements ko?
Dinudugo pa din kahit umiinom ng pampakapit
Mga momshie sino po sainyo yung successful po ang pregnancy kahit dinudugo? Continue naman po ako sa pag inom ng pampakapit at may nilalagay din ako na heragest sa pwerta ko. Pero 1week na ko dinudugo parang may regla po. Pero nakapagpacheck up na ako okay naman ng baby buhay na buhay at malikot. Mabba lang po matres ko daw po. Low lying plcenta din po. Complete bed rest din po ako.
Pano machecheck sa sss portal ang sss sickness claim?
Ask ko lang po kasi nagnotify po ako sa HR ko na need ko ng bedrest due to threatened abortion. Naionline naman daw po nila ang sss sickness notification ko last october 7. At napadala ko na din po ang mga documents na need. Nagchcheck po ako sa sickness benefit pero no records found. Pano po ba malalaman if tlagang nagfile HR ko ng sickness notification ko. Di ko po kasi alam if naapprove na ba? Pano po sya makikita sa sss portal ? Salamat po.
Enfamama or calcium oscivit
Hi mga momshie ask ko lang if nainom na naman ako ng enfamama okay lang ba di na ako uminom ng gamot for calcium ? May iniinom kasi ako dha obimin, ferrous fumarate at calcium oscivit. Ang lalaki kasi nahihirapan ako lunukin. :(
Makakaapekto po ba sa maternity benefits na makukuha ko sa sss sa pagcorrect ko ng birthyear ko?
Hi ask ko lang po need ko po kasi ipacorrect yung birthyear ko sa sss. Makakaapekto po kaya yun sa makukuha ko na maternity benefits?
Masakit po left side ng tagiliran ko need ko daw po magpa KUB ULTRASOUND
Hi po mga momshies, ask ko lang po may idea po kayo how much pa KUB Ultrasound? Kasi madalas po sumakit left side ng tagiliran ko wala po ako uti a and okay po sugar ko. Sana po may makasagot. Thank you po. #pregnancy