Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mummy of 2 active superhero
Newborn Vaginal Bleeding
Hi mga ma ... Sino po same sa baby girl ko 7 days old na siya, and meron siyang bloody vaginal discharge, sinearch ko naman agad and nagulat ako sa nabasa ko 😅 normal pala, meron palang early menstruation na tinatawag sa mga baby girl, expected siya na lalabas 2-10 days after birth ni baby, at maglalast lang nman ng 3-4 days, at maaga daw ang pag develop ng kanilang sexual organs... naospital kc ako mga ma, after ko manganak sakanya at yun pala yung reason din, kapag maaga nahinto si baby sa connection kay mommy, possible na mangyari siya. Nakakapraning lang mga ma.. heheheh first baby girl of the family din po kc kaya wala din kami idea, 😅 Sino pong same situation kay baby girl ko.??
WaLang TuLog!
Goodmorning mga mii... 37 weeks and 3 days po today... di ako nakatulog sa sobrang sakit na pabalik balik. Pang 3rd. Baby kona pero first time ko lang makaranas ng ganitong pain... interval ng pagsakit is every 10 mins. Na since yesterday pa after may mucus na lumabas sakin. Ang pain is tumatagal ng 20 to 30 seconds then mawawala at babalik ulit after 10 to 12 mins. Interval... Sana makaraos na po... see you soonest my first baby girl 🥰🙏❤️
Mucus Discharge?!
Mga mii survey lang po 😊 im 37 weeks and 2 days today at may lumabas na po sakin na white discharge with konting blood lang naman... and yung pain niya si kaya pa naman, paninigas ng tiyan is hindi din naman tuloy2x, at sa puson lang din ako may nararamdaman na pain sa balakang wala pa... ask ko lang po nung may lumabas na po sainyo kagaya nito mga ilang days pa po bago kayo nanganak? 😊🙏
Edd changes!
Hi mga mii... paiba iba si edd 😅 depende sa midwife na tumitingin sa papel ko ... pero iisang lying in lang siya.... ewan ko ba anong klaseng bilang ginagawa nila. Kanina lang follow up ko. Ang bilang naman is 36 weeks and 5 days na daw ako. Which is ang alam ko is 36.3/7 palang base dun sa last na tuminging midwife 😅 well naexplain naman ni present midwife kung bakit. Accurate naman siya 😊 so it means 2 days nalang full term na si baby at any time pwede na daw mag hello world 🥰🙏❤️ sa mga kasabayan ko po? Ano na po mga nararamdaman nyo mga mii?? 😊
Paglilihi/pagsusuka 35 weeks and 5 days
Hello mga mii... may same case po ba?? Im 35 weeks and 5 days preggy now. With my baby girl. Maselan po ba talaga kapag baby girl. 2 boys pk kasi nauna sakin at wala po akong selan or lihi skanilang dalawa. Pero now po, juskoo manganganak nalang, parang naglilihi po ako ulit. Laging pakiramdam na nahihilo kapag naghuhugas po ako ng plato, then feeling na laging nasusuka. Minsan wala naman, minsan meron... huhuhuhu... iba din po talaga feeling ko ngayon kay baby girl, parang ang bigat bigat po ng tiyan ko at lagi masakit singit ko konting lakad or kilos lang sa bahay 😩😩😩
BLOOD PRESSURE
HAay... nakakstress mga mii. Galing ako lying in kahapon for follow up. My gaaad... unang BP sakin is 158/129... kaya di muna ako pinauwi. Paulit ulit ako BiniP. Minonitor nila. Kaso hanggang tanghali, mataas padin daw. Which is 129/102 kaya binigyan ako ng request for OGTT Laboratory. Need daw macheck yung dugo ko kung diabetic or mataas ang sugar. Sabi pi sakin ng OB pagbalik ko sa monday sa lying in kapag ganun padin BP ko di ako pwed3 manganak skanila. Irerefer daw ako ng hospital at hospital ang magdedecide kung paaanakin ako ng maaga via CS dahil at risk daw kaming dalawa ni baby dahil sa BP ko. Pwedeng isa daw samin mawala 😞😩😭 ang bilang nga po pala ng center sakin is 33 weeks daw. Pero sa first ultz ko kung bibilangin is 35 weeks ang 6 days nako... help po mga mii, may same case po ba dito sakin. Any idea po pano pababain ang BP?? 🙏🙏🙏
Chinese Lunar CaLendar??
Mga Mii 🥰 Curious Lang Po. NaniniwaLa Po Ba Kayo Sa Chinese Lunar CaLendar? May Chances Po Ba Na Tumugma Yung ResuLt Dun Sa Baby Gender Naten? Any Gender Is A BLessing Naman Po, Importante HeaLthy Si Baby 👶🙏❤️
Difference Of EDD ??
Bakit Po Kaya Sa ResuLt Ng ULtrasound Ko Ang BiLang Ko Po Is 34 Weeks And 3 Days Na Po Ako Today, Pero Dito Po Sa Tracker App. 32 Weeks And 6 Days PaLang Po? PossibLe Po Ba Na MagkakaIba TaLaga ??
31 weeks and 4 days/3 days before 8 months
Normal po ba na panay ang paninigas ng tiyan at sumasabay pa pagsakit ng puson, pero pawala wala naman po yung sakit. Kaso nahihirapan ako tumayo at maglakad, parang ang bigat. Pang 3rd. Baby ko na pero 1st time ko lang makaranas ng ganito. Sa 2 boys ko kc wala ako nararamdamang sakit hanggang sa manganak ako. Thanks po sa sagot mga mii...
Hello po mga mii... Possible po ba na mali ang count ng o.b. sa gestational age ng pagbubuntis ko?
Pagkakatanda ko po kasi is 3rd. Week of october last menstruation ko pero inexplain ko po skanila na 2 days lang po yun, at yung first day lang mejo malakas then the second day is konti nalang talaga. Kaya ang bilang po nila sa EDD ko is july 29 pa, kaso po may mga nararamdaman na po ako na parang malapit na po ako manganak, pang 3rd. Baby ko na po kasi kaya mejo may idea na po ako. Based po kasi sa mga napanood ko sa youtube, pag ganun daw po ang last mentruation is counted as 1 month na siya, which is tinatawag nilang pahabol or pagbabawas nalang yung nailabas na dugo na yun. So dapat po ba expected ko this june manganganak na po dapat ako ??? Badly curious po mga mii, pahelp naman po 🙏