Melfhie Salonga profile icon
Kim cươngKim cương

Melfhie Salonga, Philippines

VIP MemberContributor

Giới thiệu Melfhie Salonga

First time mom to Chem2x Happy wife to my loving and supportive husband Josiah ❤️ Educator, Cyclist,

Bài đăng(21)
Trả lời(119)
Bài viết(0)

Alam mo ba ang mga benepisyo ng pagpapasuso sa unang 1,000 days ng anak mo?

Ang buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang bilang "National Breastfeeding Awareness Month". Kaya narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit lubos na mahalaga ang pagpapasuso nating mga ina sa ating mga sanggol lalo na sa unang 1,000 days nila. 1. Maituturing na ang unang bakuna ng sanggol ay ang gatas ng kanyang ina dahil sa proteksyong bigay ng mga nutrients ng breastmilk. 2. Nakatutulong ang pagpapasuso para sa pagbabalik alindog ng isang ina at makaiwas sa diabetes at lubos na pagtaba. 3. Maaaring maiwasan ng isang ina ang mga sakit tulad ng ginagawa ovarian at breast cancer. 4. Maganda din itong bonding ng nanay at ng kanyang anggol. 5. Nagsisilbi ring natural na contraceptive ang breastfeeding dahil nakakapag-delay ito ng menstruation cycle. Ilan lamang eto sa magagandang benepisyo ng breastfeeding. Maaaring hindi palaging madali ang pagpapadede sa ating anak ngunit ang mga haharaping hamon ay sobrang worth it dahil sa mahabang listahan ng benepisyo neto, bukod pa sa ito ay makukuha ng libre. Ang all out support ng mga taong nakapaligid sa isang nagpapasusong nanay ay napakahalaga. Kaya ikaw na nakababasa neto i-tap mo ang asawa mo o ang kapamilya mong nag bibigay ng dedikasyon sa breastfeeding. AT SYEMPRE, wag na wag din nating kalilimutan na kumpletuhin ang bakuna ng mga bata para sa dagdag na proteksyon. Tara na at samahan niyo kame sa adbokasiyang ito para malabanan ang vaccine misinformation by visiting the below link at mag take ng pledge: https://form.theasianparent.com/buildingabakunation #BuildingABakuNation #TeamBakuNanay #theAsianparentPH #VIParentsPH

Đọc thêm
Alam mo ba ang mga benepisyo ng pagpapasuso sa unang 1,000 days ng anak mo?
 profile icon
Viết phản hồi