Mga dapat mong malaman sa first 1000 days ni baby?

"First 1000 Days ni baby ating pahalagahan para sa magandang kinabukasan” Nagsisimula ito sa pagbubuntis natin hanggang sa ika-2 taon ni baby. Ayon sa mga pag-aaral ang kakulangan sa nutrisyon sa first 1000 days ni baby ay lubos na makaaapekto sa ating anak habambuhay at hindi mo na ito mahahabol pa. Narito ang mahahalagang gawin mo mommy para sayo at kay baby: Para kay mommy: 1. Ugaliing magpatingin sa mga health care providers once na malaman mong nagbubuntis ka. 2. Wag kaligtaang uminom ng multivitamins na may folic acid at ferrous sulfate para sa mental at pisikal na kalusugan ni baby. 3. Kumain ng masustansyang pagkain. Para kay baby: 1. Siguraduhing mapapainom kay baby ang unang gatas mo na tinatawag na colostrum. 2. Mag offer ng masustansyang pagkain kay baby kapag siya ay 6 months old and up na. 3. Wag na wag kalimutang kumpletuhin ang bakuna ni baby at bumisita ng health center or sa pedia niya para sa regular na buwanang check up. Ilan lamang ang mga ito sa maaari mong gawin mommy para magkaroon ng firm foundation sa bright future ng anak mo. Kaya naman samahan niyo kami bukas, August 26, 2022 sa Thr Asian Parent FB page. With our speaker Dr. Kim Patrick Tejano at Mr. Rodley M. Carza mula sa Department of Health para ibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa first 1000 days ni baby.

Mga dapat mong malaman sa first 1000 days ni baby?
 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời