Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mommah of two boys
Formula Milk
Mommies! Nais na po namin i-practice si baby na magformula since almost 2 years old na siya and kailangan ko na bumalik sa school. Ano po ba ang magandang milk for 2 year-old baby na magsisimula pa lang na magformula? Salamat sa sasagot! #1stimemom #advicepls
Family Planning
Hello mga mommies! 8 months na po baby boy and ngayon lang ako nagkadoon ulit ng regular na dalaw. Breastfeeding po ako kaya gusto ko pong itanong kung ano po ang pwedeng pills for breastfeeding moms. Tia!
Blaine
Flex ko lang baby ko! 6 months and 12 days na siya!
Rotavirus
Mga mommies! Ask ko lang po ano po kayang epekto kay baby kapag hindi nakapagpa-rotarix? Hindi po talaga kami makapunta sa private pedia niya kasi lockdown sa amin. May effect po ba yun pag nagstart na kumain si baby at di siya nakapag take ng rotavirus shot?
Anesthesia (Epidurial)
Mommies! ECS po ako. Ask ko lang po if may same case sa akin na after ilang months nararamdaman ko po na sumasakit yung likod ko. Yung sa may part kung saan ako tinurukan ng anesthesia. Pag nakahiga at nakalapat likod ko sumasakit siya lalo na pag nababanat. Masakit po yung balat, laman saka yung buto po mismo sa likod. Salamat po sa sasagot!
Butlig sa pwet
Pasintabi po mga mommies! I just wanna ask some home remedies para sa butlig at rashes sa pwet ni baby. Ldr kami ni mister ngayon kaya ako lang naiiwan kay baby kaya di ako makalabas. Ano po ba pwedeng gawin or ipahid para umimpis at mawala yung mga butlig butlig. Medyo may laman yung butlig kaya kulay puti. Hindi naman po makati kasi hindi naman po siya iritable. Sadyang nabobother lang ako kasi may butlig. Salamat po sa sasagot!
Chapped Nipples
Mommies I really need your help! My baby just turned 5 days old. From the very beginning gusto ko na po talaga mag breast freeding. Ang kaso po eh nung 3rd ko pa lang sobrang sugat sugat na nipples ko at nagdugo na din. Sobrang hapdi po at hindi ko mapa-latch si baby. Paano po ba pagalingin ang sugat sa nipples? I need your answers mommies desperate na po ako. Ayoko po mag formula si baby.
Inducing Labor
Mommies I'm 38 weeks and 2 days! I want to induce mg labor naturally. Can you suggest ang ways to do so? Do you need prescription to buy Evening Primerose at the drug store?
LBM
Mommies! Ask ko lang po ano pwede inumin or i-take para sa lbm. 34 weeks preggy n po ako. Tia!
Travel
Mommies ask ko lang po kung pwede pa mag-travel ng 34 weeks. From Rizal to Zambales. Last outing po sana before baby comes out! Wala naman po problem kay baby, sala pa din pong signs at weird feeling at kaya pa naman po ang long rides. Tia!