Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mom
8months pregnant/ 33weeks and 4days
hello mga miii, si baby super kulit na everyday pero masakit yung mga galaw nya ganon ba talaga?
Hiccup ni baby
hello po, ask ko lang if normal ba na everyday may hiccup ang baby? 7months preggy na ako ngayon then mula nong nag7months and 3rd trimester ako everyday ko na nararamdam na sinisinok si baby. Normal lang ba yon? worry kasi ako e. Thank you po sa sasagot.
Masakit balakang at belly parts kapag nakahiga
Hello mga mommy, may nakaexperience na po ba ng kagaya sakin? 7months napo akong buntis ngayong december. Then napansin ko na pag matutulog nako lagi ako naka left or right side matulog kasi yon naman daw ang dapat pero ang sakit ng balakang at belly parts ko medyo mabigat natural lang ba to? Like galing akong right side tas lipat ako ng left side super sakit ng balakang ko at tagiliran pati belly parts ko. Pag tatayo naman ako ang hirap din kasi napaka bigat ng tiyan. Ang hirap tumayo pag galing sa pagkakahiga. Nagigising na lang ako minsan na naka tiyaya matulog mas comfortable pako sa pagtulog pag ganon kaso bawal daw yon eh. Ano po kaya dapat kong gawin?
Curiousity
Hello mga mommy, share ko lang po itong nararamdaman ko kahapon po sobrang likot ni baby as in ang likot tlaga sipa ng sipa mapa upo man or tayo bibo sya, pero normal lang ba na masakit yung belly parts natin? im 6months preggy na po. like pagkagaling ko sa pag kakaupo or higa sakit sobra ng balakang ko and ng belly parts ko. Tapos kagabi naman nakahiga ako sumisiksik sya sa gilid palipat lipat ng pwesto nag woworry ako baka constraction yung ganito. May paghilab din ako nararamdaman pero nawawala din naman. Till now pag nakaupo ako parang may tumutusok sa tiyan ko or nasiksik lang talaga sya. Good to know na bibo sya pero baka constraction na tong nararamdaman ko. is it normal po? wala naman any discharge. natatakot lang ako sa nararamdaman ko. Thank you sa sasagot po.
Palaging Puyat
hello mga mamshie! sino po nakakaexperience ng kagaya sakin 6months preggy po ako now and 2days na po akong puyat na puyat kahit gusto ko na matulog hindi po ako makatulog hindi naman ako gumagamit ng phone nakapikit lang ako pero hndi pa rin makatulog, nag gagatas din ako bago matulog pero useless eh huhuhu. Hirap na hirap ako sa sitwasyon ko na to ngayon. nakakatulog ako 5am na nagigising din ako ng mga 8am or 9am dahil need kumain ng breakfast, and now po nahihilo ako kasi for sure low blood na ako. palagi akong 4am or 5am nakakatulog 😣 Bakit po kaya ganito ako. nahihirapan kasi ako sakit pa sa ulo.
Share ko lang
hello po, pansin ko na mas safe pa sumakay sa motor kesa sa jeep, tricy or sidecar. 🥺 Pag nagcocommute kasi ako napaka unsafe mag drive ng mga driver eh. Kahit alam nilang may buntis silang pasahero 😒 mas gusto ko pa tuloy sumakay sa motor namin ng fiance ko. maiinis kana lang pag sobrang alog at bilis ng pag mamaneho! hays :( hindi naman lahat ng driver pero kadalasan ganon yung nasasakyan ko. Keepsafe sating lahat.
Sumasakit yung Baba ng tiyan
mga mommy naexeprience nyo na po bang sumakit yung ilalim ng tiyan nyo? lalo na pag maglalakad? feel ko na na ang bigat ng tiyan ko hindi naman madalas pero nararamdaman ko to minsan pero si baby super active naman. Mag si-six months preggy na po ako this month, wala naman akong discharge na kahit ano yon lang yong nararamdaman ko. Thank you sa sasagot.
Paexplain po
Ano pong ibig sabihin ng Posterior Grade I High Lying mga mommy? road to 6months preggy po ako and naka breech pa si baby sana umikot pa to.
Pangangati
may ibang mommy po ba naka experience ng pangangati ng buong katawan? sobrang kati talaga tapos diko mapigilan na hindi kamutin hanggang sa magsugat na lang talaga. Last prenatal ko last month yung sugar ko umabot ng 170 kaya till now nag tatake ako vitamins na ascorbic acid na sugar coated. kahit anong gawin ko bumabalik balik lang yung pangangati ng katawan ko kahit iniiwasan ko na talaga yung matatamis. huhu super hirap ng ganito. After ko mag half bath sa gabi pag higa ko andyan nanaman yung pangangati ng buong katawan ko. Sa mga kamag anak ko ganito din sila magbuntis huhu dahil daw sa hormones to kaya ganito ang hiraaap, 5months preggy na ako ngayon. ano kaya gagawin ko, super panget na rin ng balat ko tapos baby boy pa kaya sguro ganito. 🥺
Ascorbic Acid
Hello mga miiii, para saan ang ascorbic acid? niresetahan kasi ako sa center ng ascorbic acid for 30days. Thank you sa sasagot. 🤗