Birthclub: Pebrero 2023 icon

Birthclub: Pebrero 2023

38719 Người theo dõi

Hỏi & Đáp

21 weeks pregnant

Hi po mga mies, i'm a 3rd time mom. 3 years ang gap each baby. And this is my 1st time feeling like this, kasi sa 2 baby girls ko same cravings and same feelings lang. As in normal pregnancy lang. But this time, i am very sensitive😔 Ask ko lang po if may same case rin po ba sakin kahit 21 weeks preggy na maliit pa rin ang tiyan. I was 64 kg when i knw na buntis ulit ako and this time I am 58 kg nlang😔(lost 6kg). Super sensitive, mapabaho ng kanin na sinasaing, ng mantika na ginagamit pag niluluto, tubig, onions, etc. Now that I am 21 weeks may times na ako na nakakain ng 2x a day. Minsan nakaka kain na ng marami but eto malala, ewn ko ano nangyari. Aug 9, 18hrs akong walang tulog, kahit ano gawin ko, di ako makatulog😔 hanggang sumakit na ulo ko tsaka pa ako nakatulog. 2 hrs lang natulog ko. At ngayon parang baliw na routine ko. Pag gabi di ako nakakatulog hanggang umaga, kanina lang 11am ako nakatulog hanggang ngayong 5pm. Ni hindi po ako nagugutom talaga, naiinngit ako sa iba na nagbubuntis na ng 5 months kasi puro cravings at kain na po. Ako hindi po talaga nagugutom, last kain ko pa kaninang 8 am. Anyone po may same case ko po na hanggang ngayon very sensitive? Hindi naman po ako stress kahit kailan sa husband ko, he's a very supportive husband, ni hindi nga po ako nauubusan ng pagkain sa bahay kahit may naitapon na kasi d ko talaga nakakain, ni minsan di ko narinig nagsalita ng masama asawa ko. Bakit iba ngayon pagbubuntis ko😔 PS, c baby po ay active naman, gumagalaw since 12 weeks na f-feel ko naman po cyah. Every evening ang likot po, kahit po ngayon magalaw po talaga cyah.

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi
Xem thêm bài viết