Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of 3 ?
Malunggay Capsule ?
Gaano po ka-effective itong Malunggay Capsule? 4months preggy po ako and inadvise na po ako ng OB na uminom nito. ?
Low BP
Ever since po low blood po talaga ako and nasa lahi na din namin. I'm 13 weeks pregnant. Okay lang ba mag-take ng ferrous sulfate kahit walang reseta ni OB?
Sharing..
Hi mga momshies. Gusto ko lang mag-share. I'm on my 12th week of pregnancy (base dito sa app), hindi pa talaga ako nakakapagpa-ultrasound dahil walang chance talaga dahil sa ECQ. Kanina naiiyak talaga 'ko kasi may napanood akong video sa YT about pregnancy, ang sabi ng doctor importante makapagpa-ultrasound kahit isang beses lang within 14 weeks ng pagbubuntis. Para malaman kung may heartbeat ang baby and kung ilan ang laman ng tummy mo. And parang na-stress ako kasi ilang ospital na napagtanungan ko, wala talaga silang appointment ng mga OB ngayon. ? Wala naman akong pain or bleeding na nararamdaman, alam ko safe naman si baby, pero iba pa rin talaga kapag personal mong narinig ang heartbeat ni baby, and makita mo na may baby ka nga talagang dinadala. I know hindi lang ako ang may ganitong case. Pero Sana matapos na 'tong pandemya na 'to para maging normal na ulit ang lahat. Gusto ko na talaga magpacheck-up. ? Sa mga katulad ko. Alam ko nakaka-stress at nakakalungkot talaga. Maging matatag lang po tayo. Mag-pray lang tayo matatapos din itong krisis na 'to. ??
Fresh Buffalo Milk
Hi Momshies, meron po ba nakainom na nito? Pwede po ba 'to sa buntis? 9weeks preggy po ako. Gusto ko sana itry.
Going 9 weeks preggy
Hello po ulit. Ask ko lang po kung ganito po ba talaga yung paglilihi. Mag 9weeks na po akong buntis sa makalawa. Once na naramdaman ko na kumulo tyan ko yung feeling ng gutom nagttry ako kumain, kaso pag nandyan na yung pagkain hindi ko talaga makain. Ang gagawin ko kakain ako ng kahit isang apple lang. Pero nakakaramdam na ko ng panghihina, hanggang sa gusto ko na lang humiga at hindi na ko makakain sa sobrang panghihina ko. Panay din ang duwal ko na wala naman akong maisuka, parang umiikot palagi sikmura ko. Hanggang kelan po kaya ganito? ?
Week 7
Bakit po kaya ganun, kahit kakakain lang kukulo na naman yung tyan na parang gutom. Normal po ba yun, hindi kasi ako ganito sa panganay ko noon.
MILK
Since naka-community quarantine po tayo, ipagpapaliban ko po muna ang pagpapa-ultrasound and follow-up check-up ko sa OB sa March 30. After na lang po ng quarantine. Any brand po ng Fresh milk na pwede kong inumin? Since wala pa po sa'kin nireseta ang OB na pregnancy milk. I'm 6weeks and 4days pregnant po (base dito sa app). Thanks po in advance. ??
Community Quarantine
Hi. Just like to get some opinions lang po, kasi po last Saturday, March 14, nag PT ako and nag-positive. Then pumunta kami ng OB nung Monday, March 16, para maconfirm kung pregnant nga talaga ko. As per my OB need ko syempre magpa-ultrasound bago ulit kami mag-kita sa March 30. Kaso dahil nga po sa enhance community quarantine tumawag muna ko sa radiology department dun sa hospital kung open sila ng ganung araw kasi magpapa ultrasound nga po sana ako, kaso nakaleave daw po yung mag uultra and wala pa pong advise kung kailan daw po ulit papasok yung nag uultrasound. Okay lang po kaya na ipagpaliban na muna namin yung pagpapa ultrasound after na sana ng community quarantine? Kasi medyo natatakot din po kami lumabas ng bahay, tsaka wala din po kasing masasakyan papuntang hospital.