Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Soon to be Working Nanay
COVID-19 Vaccine (BF Mom)
Kamusta po yung mga breastfeeding moms na nagpavaccine na? Anong vaccine po? And may side-effect po ba? Nag-breastfeed po ba kayo after ma-vaccine? May scheduled vaccine (First dose-Sinovac) kasi ako today. Thank you!
Vaccine ni Baby
Ganito po ba talaga ang presyo nito? 😬 Sinend po nung secretary ng Pedia namin. 😬😬😬 2months hexa and rota 8500 3months prevenar 6000 4th months penta and rota 8000 5th months prevenar 6000 6th months hexa and rota 8500 7months prevenar 6000 8months mmr 3500 1yr.old varicella 4000 1 yr old and 1month prevenar 6000 1 yr.old and 3months mmr 3500
Looking for Pediatrician
Hi mga Momsh! Meron po ba kayong marerecommend na pediatrician? Preferably sa Quezon City, malapit sa Visayas Avenue. Thank you.
PGMC Maternity Package
Para po sa information ng mga nagtatanong ng maternity package sa PGMC ngayon, I think depende po sa Ob-Gyn nyo. Tho pinag-ready po ako ng 60-80K para sa normal delivery, naging CS po ako since biglang breech si baby (Cephalic sya 2 days before ako manganak) 😆. Yung total bill namin ay inabot ng 85K (less PHIC) samin na pong dalawa ni baby. Ang bait po ng Ob-Gyn ko since tinanong nya ako if w/n the budget pa yung total bill bago nya iconfirm sa billing section yung professional fee nya, willing sya iadjust if lagpas sa budget namin. Ang bait din nung medical team na nag-operate sakin. Btw po, need ng swab test, and valid lang for 14days yung result. Sana nakatulong yung info na binigay ko. Safe deivery po. 😊
EvePrim Capsule
Normal po ba na mag-leak ng fluid after maglagay ng eveprim capsule? Pano ko po malalaman kung panubigan na yun or yung eveprim lang yun? Advise kasi ni OB e ipacheck ko ngayon na sa hospital.
Pacific Global
Hi, Momsh! Sino po nakaexperience na manganak sa Pacific Global ngayong pandemic? How much po binayaran? Kumusta po yung hospital? Dun po kasi ako nirefer ni OB ko. Salamat po!😊
Baby Essentials
Ilang set or number of items po dapat dalhin sa hospital pag manganganak na? Meron na po akong list of items, di lang ako sure sa quantity. 😁 Thank you po sa tips! Excited lang po hehe. #TeamOctober
Appointment with my new Ob Gyn
May marerecommend po ba kayong Ob Gyn na may pag-papahalaga sa oras? 😅 Mukhang mag-papalit na naman ako neto. Yung dating Ob ko kasi on time sa appointment namin. Minsan mas maaga pa sakin. Yung Endoc at Nutritionist ko din on time sa appointments namin. Ito namang bagong Ob ko, unang appointment ko e 30 mins late...well on going ang pagiging late. Minsan di ko maintindihann kung para san pa yung appointment? Sila lang yung busy? 😂 Or sana man lang mag-bigay ng notice kung malalate, ano po? 🤭😅
Normal Delivery or CS
Kapag po ba may GDM ka e automatic na CS ka? Nag-iinsulin na po ako and so far nacocontrol naman ang sugar level ko. May appointment po ako sa weekend sa Ob ko, kaso di ko maiwasan mag-worry. Thank you!
Ob Gyn
Hi mga Momsh! Plan ko po mqgpalit ng Ob Gyn. Pano po kayo nag-paalam sa dating Ob Gyn nyo? Di ko po kasi alam kung pano ko ioopen yung topic. Thank you po. 😊