Liezel Herman Bolivar profile icon
Kim cươngKim cương

Liezel Herman Bolivar, Philippines

VIP Member

Giới thiệu Liezel Herman Bolivar

Mummy of 1 handsome superhero

Bài đăng(64)
Trả lời(337)
Bài viết(0)

John Darcy B. Ybañez

(1st)EDD:November 26, 2019 (based sa last mens ko) (2nd)EDD:November 2,2019 (based sa ultrasound) BOD: November 4,2019?? Sobrang alalang alala ako nung 39 weeks ? kase nga malapit na duedate ko di pa din tumataas cm ko? 2 weeks na stuck sa 1cm? lahat ma ginawa ko nun lakad ng 30mins/1hr pero ganun pa din. Nakakaramdam na din naman ko ng sakit sa puson at balakang nun pero sabi false labor daw. Hanggang sa umabot ako ng duedate ko. Nov 3 pagpacheck up ko 3cm palang? pinagtreadmill ako sa clinic ng isang oras. Sabi maglakad lakad pa daw kase mataas pa daw si baby. Umuwi kame at sa bahay nag akyat baba?? nagsquat kahit pagod na. Yung gabeng yun panay sakit na ng puson ko pero di ko ininda kase inisip ko baka false labor lang ? habang tumatagal eh pasakit ng pasakit kaya ginising ko na partner ko sabi ko punta na kame ng clinic kase nga sumasakit na . 1am pagdating dun inay-e ako pero 3cm pa din. Pinapili kame kung uwi muna or mag stay na muna dun sabi ko uwi nalang muna kase baka nga false labor. Umuwi kame kala mawawala na yung sakit yun pala lalong tumindi. Una nakakaya ko pa hanggang sa halos di ko na kayanin at umiiyak na ko. Tumawag stepmom ng partner ko para iguide kame sa gagawin. Pinatungga ako ng 2 fresh eggs? hanggang sa ramdam ko yung parang natatae na pero iyak pa din ako. May lumabas dugo sakin nasa banyo ako kase feeling ko talaga tatae ako pero sabi ng stepmom ng partner ko yun na daw yun . Iniire ko siya kase pag di ko inire lalong sumasakit. umalis kame ng partner ko pasadong 3am. Nasungitan ko talaga partner ko nun. Pagkadating ng clinic inire ko ulit, inay-e ako pagka ie pinadiretso ako sa delivery room pinutok panubigan ko ramdam ko yun. Sa 5 na ire lumabas na si baby ng 4:15 am??? sobrang saya ko nung pinatong siya sakin ? makita siyang nililinisan at nagpupumiglas okay na ko ni hindi ko maramdaman na tinatahi ako. 6days na po ang baby JD namin❤❤ Sa mga team November makakaraos din po kayo. God bless po sa lahat? salamat po sa pagtatyaga magbasa?

Đọc thêm
John Darcy B. Ybañez
 profile icon
Viết phản hồi