Birthclub: Disyembre 2024 icon

Birthclub: Disyembre 2024

10276 Người theo dõi

Hỏi & Đáp

An open letter (need advice po sa mga makakarelate sa akin)

Ano ba dapat kong gawin? May anak ako sa pagkadalaga. Nagkaron ako ng pangalawang asawa, 9yrs old pa lang nun ang anak ko.. Nung una, magkasundo sila, binibigay niya lahat ng pangangailangan ng anak ko kahit luho pero pinalaki ko syang hindi maluho dahil ang gusto ko matutunan ng anak ko kung panu bigyan ng halaga ang lahat ng bagay maging matipid, at gusto ko isaisip niya na lahat ng yun ay pinaghihirapan. Maganda trabaho ng LIP ko at good provider din siya samin. Ayaw niya na kong pagtrabahuhin at ang gusto niya sa bahay na lang ako.. Magseseven years na kameng magka relasyon at ngayon pa lang kame magkakaanak(12weeks pregnant)... Nagkaron ng pagtatalo kagabi. Tuwing pagagalitan niya yung anak ko walang araw na hindi magkakaron ng komusyon. Palaging nauuwi sa gulpihan, pananakit, pagmumura at panunumbat. Oo, may kasalanan ang anak ko. Yun ay ang pagsagot niya minsan dahil sobra din kase syang magpagalit sa anak ko, sa umpisa pa lang ay lagi syang naka-taas ng boses na halos naririnig lagi ng mga kapitbahay yung pag-aaway namin at pag hindi niya nagugustuhan yung mga sagutan ng anak ko eh, dun na siya maglalabas ng pamalo, isang maling sagot, isang palo. 13yrs old na ang anak ko, siguro sa sobrang pagtitiis niya sa step dad niya na palaging ganun e nasagot niya na ito na "pikon na pikon na ko sayo!" humawak siya ng tinidor(kumakain kami ng dinner that time) na parang akala mo'y isaksak niya ito sa step dad niya, hanggang sa naginit na tuluyan LIP ko at ginulpi na niya yung anak ko at puro panunumbat na kesyo ganyan, ganito na kung di lang dahil sakin matagal na niya na kame iniwan. Habang ginagawa niya yun sobrang durog na durog ang puso ko. Inaawat ko sila sinasaway ko din ang anak ko pag nakakarinig ako or may nakikitang maling gawa ang anak ko pero ayokong maramdaman nila na may kinakampihan ako na bawat-isa sa kanila.. (never akong nagkulang ng paalala at pangaral sa anak ko kaso talagang natitrigger lang ito pag yung step dad niya na ang nagpagalit dahil alam niyang ganun na naman ang mangyayare...) bilang ina, sobra kong nasasaktan sa ginagawa niya sa anak ko at mga sinasabi neto, masakit din na marinig na palayasin ang anak ko dahil nga sa lagi silang ganun. Di ko na matiis kagabi! Nung ginagawa niya yun at pinagsasalitaan ng masakit ang anak ko eh, parang ako na ang sinasaktan niya. Dahil sa di ko na kinaya niyaya kong mag alsabalutan ang anak ko, sinabi ko sa LIP ko na aalis na lang kame kesa palagi na lang silang ganun. Kako, sobrang sakit na sakin ng nangyayare. Nagalit siya. Ika niya" Sige magkampihan kayong mag nanay lumayas na kayo! PALAGLAG MO NA DIN YANG DINADALA MO! nung narinig ko yun mula sa kanya mas grabe yung sakit na naramdaman ko. Iyak ako ng iyak. Nasabi ko na lang "di mo kailangan sabihan yan dahil kaya kong buhayin mag-isa mga anak ko".. humingi siya ng tawad at nasabi niya lang daw yun dahil sa bugso ng damdamin at tangkang lalayasan ko na sya.. Di ko na po alam ang gagawin ko. Pagod na pagod na ko na laging na lang ganun na kada galit siya makakapag bitaw siya ng mga salitang di maganda, mananakit. Imagine, Sunday lang may nangyare ding ganun na pagalitan nila ng anak ko tas ito na naman kagabi 😭 Sana po matulungan niyo ko kailangan ko po ng advice ng makakarelate sa akin. Gusto ko pong makapag desisyon ng tama para sa anak ko at LIP ko. Di ko naman ito makwento sa mga kaibigan ko at lalo sa pamilya ko.. Maraming salamat!

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi
Xem thêm bài viết