ASD, LEVEL III
Today, my baby was diagnosed with ASD or Austism Spectrum Disorder. Expected ko na ito. Hindi lang environment ang problema samin, it's also my fault. Kung nagtyaga pa siguro ako "noon". Dapat December pa ma'assess si baby. Mabait si Lord, pinaaga Niya. God is good talaga! God is always with us. Kaya hindi ako ganon kaworry and I know na malalagpasan ulit namin ni baby ito. Kita ko sa anak ko na he's smart! Need niya lang ipush. 🥰 #firsttimemom #asdfighter #soloparent
Hi Mii. Napatingin ko na si baby ko. Considering sya. Due to no speech pa sya and di pa sya nauuutusan. 1 and 6mos si baby, but as i said, marunong sya bless kiss align dikit upo flying kiss peekaboo. And tinry din ni devped na tawagin sya pumasa naman sya sa paglingon may eye contact sya. Need OT dahil may flapping sya, yung parang tayo nag imitate ng ibon na lumilipad (yung motion from shoulder to elbow). Ganun ang ginagawa ni baby ko. Repetitive daw yun and isa sa sign. Then yung pag aappear nya sa pader. Considering sya dahil meron sya ganun, and to add yung mga laruan ni baby puro lang sya subo. Sabi ni devped ok naman sya dahil nakita nya nag talk si baby ng dadad dedede tatata which is good, push lang daw para makabigkas ng words. Wag lang daw kasi yung long aaahh na parang pasigaw lang or sounds lang talaga. Need OT para matanggal yung nakita nya repetitive actions and wait kami mag talk si baby hanggang 2yo sya. Balik kami kay devped after 6mos. yung pala therapy looking pa lang kami ng may available, hopefully meron pa at need sya therapy 2x a week 1 hr lang naman daw yun.
Đọc thêmSame with my firstborn son.. ASD po diagnosed nung 3yo siya.. Regression ngyari wala siya developmental delays as infant.. Kaso pag dating ng 1 1/2 yo bigla nagkaroon ng regression.. Lahat ng alam niya pati pagsalita nawala at nagkaron na rin ng mga signs ng asd😢 mahirap.. At dadaan talaga sa stage na indenial tapos sisisihin ang sarili bilang nanay.. Saan ba tayo nagkulang? Anu nagawa natin mali sa pagpapalaki sakanila.... Pero pinaka importante ay Acceptance... Kelangan natin tanggapin dahil kelangan nila tayo bilang magulang.. Tayo ang higit na makakaunawa sakanila.. At tama ka mommy smart ang mga kids natin.. Kelangan natin pagkatiwalaan sila na kaya nila😊 at pag pray natin na lagi sila healthy🙏
Đọc thêmganito 1st baby ko and shes 12yrs old now pero di pa rin nkkpgsalita ng maayos .. developmental delay sabi ng doctor.. nagkaproblema din sa tenga kasi kpg kakausapin mo siya di niya naiintindihan ung sinasabi mo unless magsign language ka sa kanya...
matagal na nung huling therapy niya siguro last 2017 pa.. ngayon tlgng kapos kaya natigil muna... pero malusog nmn at masayahin ung 1st baby ko ngayon.. di nga lng same sa mga normal kids na meron ung iba.. tlgng mahabng pasensiya at alaga ang kelangn sa kanya... natuturuan n nmn siya and nkkpgsulat na din.. dilng tlga makaintindi kpg verbal na kakausapin mo...
mi curious po ako, bat mo po nasabi na "it's your fault at kung nagtyaga ka lang noon"? yes mi! laban lang, this is not a death sentence. God is good...di nya po tayo bibigyan ng pagsubok na di natin kakayanin 🥰
thank you sa pag share mi.. huuuug to you and to your LO 🤗🫂 kayang kaya yan lalo pa't mild lang ang diagnosis sa kanya..❤️ mabuti ang Diyos di nya tayo papabayaan 🥰🙏
Mi, may contributing factor po ba ung environment for ASD? habng buntis po ba possible mkuha un? San daw po ba nkukuha ung ASD.. namamana po ba?
Pwede daw po syang mamana at sa environment nyo like wala syang nakakausap o nakakalaro, nabababad sa tv at nasa bahay lang palagi.
advance namn now ang medication at mga therapy mi magiging okay din c lo, stay strong and God bless you both ni lo.
Totoo Momsh. Kaso ang mahal magpa assess. 😅 Kailangan din talaga mag effort hehe. Thanks Mi! 🤗
Hi mii. Id like to know more regarding your experience.
Yes mamii knowledge at awareness talaga. Kasi di nagtatapos sa panganganak yung worries maraming pagsubok ang haharapin natin with our baby. Isa dito itong asd na ito 😟 pero im glad kasi may chance pa na maayos pa sabi mo nga. Mii pls update po ha sa journey mo