Hello mga Mommies ask ko lang po sana kung ano magandang ilagay sa muka ni baby nagkaroon kase sya ng rashes sa muka ang meron lang ako calmoseptine tsaka baby in a rash ng tiny buds anong mas effective sa dalawa ilagay? Tinry ko yung breastmilk ilagay sa muka nya parang lalo nadami. :( sana may makasagot thank you. #1stimemom
Đọc thêmHello mga mommies meet my cutie lil boy Kirito-kun ❤️ sa wakas nakaraos na din , nacs ako gawa ng 2 cm palang ako lumabas na agad panubigan ko. Inorasan ako ng midwife dapat within 12hours mailabas ko na sya kaso lagpas na ayaw pa rin nya lumabas dahil mataas pa sya. As of now pareho pa rin kami naka confine under observation pa. Thank you lord dahil normal at healthy baby ko. Ako hanggang ngayon di makautot. Kaya di pa makakain. Pano ba ko mga mommy makakautot di ako makakilos kase mahapdi pa tahi ko. Tubig lang iniinom ko at biscuit as in yun Lang kaya hinang hina ako. #1stimemom #firstbaby #advicepls
Đọc thêmSana may makapansin po nitong post ko. Badly need your help po 😣😣
Sino po ang nakaranaas na nito? At Ano pong dapat kong gawin? Madaling araw mga 2 am nung nag start pananakit ng tagiliran ko, bago pa yun uminom ako ng uminom ng buko juice na malamig tsaka leche plan, Patulog na ko nung maramdaman kong sumakit bigla yung tagiliran ko na nakirot. Nakahiga na ako nun pinapakiramdaman ko lang tapos habang tumatagal pasakit na ng pasakit na parang hihiwalay na yung kalahati ng tagiliran ko. (kanan bandang puson) umupo ako kase parang di na ako makahinga tapos nasakit pa rin napapasigaw na ako sa sakit pero kinakaya ko. Nag paalalay ako tumayo sa partner ko kase di ko na kaya kada galaw ko lalong sumasakit. Isinandal ko yung kamay ko sa pader na napatuwad na kase nag hahanap ako ng comfortable na pwesto. Hanggang tumagal ng tumagal iyak na ako ng iyak di ko na kaya yung sakit. Sobrang sakit po talaga feeling ko naglalabor na ako tapos nanghihina na ako kinukulit na ako na mag padala sa hospital kase di na ako makagulapay. Hanggang sa mag fa 5 na ng umaga pinilit kong humiga kase antok na antok na ako pero mayat maya gising ko. Kanina uminom ako ng gatas tsaka humigop ako ng sabaw ng suam yung maraming luya humahagod yung init sa lalamunan ko, tapos ngayon medyo nawala di na masyado katulad kagabi pero masakit pa rin at hindi nawawala yung sakit. Hindi pa rin ako makalakad ng maayos at makatulog ulit ngayon kase ramdam ko pa rin pero ramdam ko na antok na antok ako ngayon na parang mag cocollapse na. 😖😖#firstbaby #1stimemom #1stpregnnt #36weeks preggy
Đọc thêm