Sana may makapansin po nitong post ko. Badly need your help po 😣😣

Sino po ang nakaranaas na nito? At Ano pong dapat kong gawin? Madaling araw mga 2 am nung nag start pananakit ng tagiliran ko, bago pa yun uminom ako ng uminom ng buko juice na malamig tsaka leche plan, Patulog na ko nung maramdaman kong sumakit bigla yung tagiliran ko na nakirot. Nakahiga na ako nun pinapakiramdaman ko lang tapos habang tumatagal pasakit na ng pasakit na parang hihiwalay na yung kalahati ng tagiliran ko. (kanan bandang puson) umupo ako kase parang di na ako makahinga tapos nasakit pa rin napapasigaw na ako sa sakit pero kinakaya ko. Nag paalalay ako tumayo sa partner ko kase di ko na kaya kada galaw ko lalong sumasakit. Isinandal ko yung kamay ko sa pader na napatuwad na kase nag hahanap ako ng comfortable na pwesto. Hanggang tumagal ng tumagal iyak na ako ng iyak di ko na kaya yung sakit. Sobrang sakit po talaga feeling ko naglalabor na ako tapos nanghihina na ako kinukulit na ako na mag padala sa hospital kase di na ako makagulapay. Hanggang sa mag fa 5 na ng umaga pinilit kong humiga kase antok na antok na ako pero mayat maya gising ko. Kanina uminom ako ng gatas tsaka humigop ako ng sabaw ng suam yung maraming luya humahagod yung init sa lalamunan ko, tapos ngayon medyo nawala di na masyado katulad kagabi pero masakit pa rin at hindi nawawala yung sakit. Hindi pa rin ako makalakad ng maayos at makatulog ulit ngayon kase ramdam ko pa rin pero ramdam ko na antok na antok ako ngayon na parang mag cocollapse na. 😖😖#firstbaby #1stimemom #1stpregnnt #36weeks preggy

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

May connect po ba sa pag sakit ng tagiliran ko yung lagi kong pag iinom ng malamig? Di po kase ako nakakainom ng normal water lang kase halos lahat ng tubig namin naka stock lang sa ref. And nung kahapon uminom ako kalahating baso ng sprite nag luto kase ng ulam yung partner ko ng tahong na pinakuluan sa sprite yun yung inulam ko kagabi. May connect din ba yun? Sana may mag comment sa post ko. Thank youuu

Đọc thêm