Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Happy and Contented with my New Family
Scammer Story
Hi po Mommies, ngayon araw na-scam ako dahil may binibenta akong stroller ng toddler ko sa Marketplace ng FB. Name niya sa FB is JOHN PITS, nagbebenta rin sya pero di ko alam kung gawa-gawa niya lang ba yun. Nagpanggap siyang babae (SCAMMER) at may Hubby raw sya. Tinanong nya kung ano issue ng stroller kahit naka-indicate na doon sa post ko. Ang saya ko na nung oras na yun kasi may bibili na. Yung nagbook is yung SCAMMER, sinabihan nya pa ako na 2,800 yung sabihin ko sa Kuya R. kasi sinabi nya raw sa "HUBBY" nya na 2,800 yung stroller kahit 1k binibenta ko. In short, kukupitan nya yung hubby nya ng 1,800 then isesend ko nalang daw sa gcash yung 1,800 sakanya kasi hawak ko na yung pera ni Kuya R. Sinabi ko dun sa SCAMMER na 1k lang laman ng gcash ko, pinipilit nya akong isend na agad yung 1k. Tapos follow-up nalang yung 1k kasi magpapa-cash in pa ako. Nung triny kong iprocess yung number na sinend nya sakin NON-VERIFIED yung number AT DOON NA AKO NANGHINALA. Kinukulit nya ako na iproceed ko nalang daw kasi ayun yung sabi ng kapatid nya. Hindi ako nagpatinag kasi alam ko na ee. Tinext ko na agad si Kuya R. na itext ako o tawagan kung nandun na siya at kung natanggap na ba yung payment, ok kausap si Kuya Rider. Nangungulit sakin si Scammer na kesyo isend ko na raw kasi alam daw ng hubby nya na may pera sya at doon kukunin yung SF sa 1,800. Nireplyan ko sya na madali lang magsend at mag-alibi sa hubby nya na nagsi-cr sya para masend ko agad sakanya kapag nakatawag na sakin si Kuya R. Dami nya chat sakin. Then biglang may nagtext sakin na number na akala ko si Kuya Rider na sabi andun na daw siya at nareceived na yung bayad sakanya. At doon ko nasend sa SCAMMER yung 1k na akala ko number ni Kuya Rider. Bigla kong tinawagan si Kuya R. kung yung pinantext nya ba sakin at pinangcall ee sakanya o may iba pang number, sabi sakin ni Kuya R. na ayun lang number nya. Dito nako nanlumo kasi 1k nasend ko sa SCAMMER ee. Pagpunta ni Kuya R. doon sa lugar BOOM andaming Rider na nakaabang doon sa address na binigay. Narinig ko sa other line nya na maraming taong nagsasabi na walang nakatira doon, na maraming rider rin nai-scam sa address na yun at yung iba umiiyak dahil na-scam sila ng malaking halaga at yung iba malalayo pang lugar para lang dalhin doon sa fake address. Sampaloc, Manila to Parañaque binyahe ni Kuya R., 316 pesos yung SF papunta plang doon which is malaking halaga na yun kay Kuya R. pangkain na rin nya yun. Ang ginawa nalang ni Kuya R. binalik nya sakin yung stroller NA DAPAT may iba na syang booking kung sakaling totoo kaso hindi, sinoli ko rin sakanya yung 2,800. Nagkwento sakin si Kuya R. na ang pinupuntirya ee mga baby stuffs kasi lahat ng Rider na nadoon ay baby stuffs ang gamit. In short, mga nanay yung mga ini-scam nila. Kaya ingat po kayo mga Mommies. Hayy!
Pwede po ba magkulay ng buhok ang breastfeeding Mommies?
1yr.6mos. na po baby ko, pwede na ba magkulay ng buhok? 😔#firsttimemom
Malikot ang kamay ni baby
Hello mga mommy! 🤗 Ask ko lang kung normal ba sa mga toddler ang kalikutin yung isang nipple habang nadede sila? Nagagalit sakin yung 1yo ko kapag hinaharangan o inaalis ko yung kamay nya sa isa hahahaha. Kala naman nila aalis yung utong ee huhu hahahaha#firsttimemom
Nasal Spary for 1yo?
Ano po kaya pwede sa 1yo na Nasal Spray?
Breastfeeding Mommy na may sipon at dry cough
Hello po! Ask ko lang po ano pwede inumin na gamot kapag may dry cough at sipon? Breastfeeding pa po ako kay baby.
8mos na si baby di parin marunong kumain ng gulay at fruits
Momshies trina-try ko po yung BLW kay baby pero ayaw nya. Mas gusto nya lang pipino at cerelac. Ayoko po maging pihikan baby ko sa food 😔 Ano po ginawa nyo para kumain si baby? Is it too late para mag-BLW si baby?
Ano po symptoms na nag-iipin?
Maliban po sa lumalabas yung ipin. Natubo na po kasi ipin ng baby ko (going 8mos) . Nagwo-worry po kasi ako, iyak siya ng iyak at ayaw magpalapag gusto niya nakagarga lang sa akin. Ayaw niya rin kumain puro tubig lang. 😔
Hindi ko na alam gagawin ko...
Gusto ko lang mag-share mommies para mailabas ko yung bigat sa dibdib ko. (Bugtong-hininga) Sa tuwing napapagod ako tinitiis ko yung sakit ng katawan para lang mahele at mapatulog ang baby ko (7mos) kaso sa bandang huli umiiyak narin ako dahil anytime magko-collapse na buong katawan ko sa sobrang pagod at sakot. Hindi ko mapatahan si baby dahil hindi nya mahanap yung tulog nya, umaabot sa punto na nasisigawan ko na baby ko na alam kong mali iyun 😢 Napapatulala na lang ako habang naiyak dahil ang hopeless kong nanay. Ang hirap pala maging nanay lalo na kung walang kasamang umaagabay sayo. Opo may partner ako at iniisip nyang umaarte lang ako sa pag-iyak at pag-sigaw ko sa anak namin dahil akala nya sa dahil di nya ako pinapansin at puro cp sya. Minsan, naiisip ko nang sumuko sa laban ko para lang maranasan nya yung hirap na ginagawa ko. Hindi ko rin alam kung worth it pa ba ako sa buhay nya. Marami na akong doubts na naiisip. Ang hirap. Hindi ko na alam gagawin ko kapag umiiyak nako at feeling ko worthless nako. Pasensya na mommies kung nagdrama nako dito. Wala kasi akong mapagsasabihan dahil alam ko may pinagdadaanan rin mga taong nasa paligid ko. Salamat.
BLW (Baby-Led Weaning)
Sino na po nakasubok ng BLW? Nung first kain po ba ng baby nyo umiiyak at niluluwa nya? Nafa-frustate nako kasi ayaw nya kumain 😭 gusto lang cerelac at bm ko kahit may mga sign na sya para mag-BLW.#worryingmom #advicepls #firstbaby #sevenmonthold
May sipon si Baby ☹
Mga mommy, pwede na bang painumin si Baby ng gamot para sa sipon? 7mos pa lang sya. Nawawalan sya ng gana kumain ee.#1stimemom #pleasehelp