Hindi ko na alam gagawin ko...

Gusto ko lang mag-share mommies para mailabas ko yung bigat sa dibdib ko. (Bugtong-hininga) Sa tuwing napapagod ako tinitiis ko yung sakit ng katawan para lang mahele at mapatulog ang baby ko (7mos) kaso sa bandang huli umiiyak narin ako dahil anytime magko-collapse na buong katawan ko sa sobrang pagod at sakot. Hindi ko mapatahan si baby dahil hindi nya mahanap yung tulog nya, umaabot sa punto na nasisigawan ko na baby ko na alam kong mali iyun 😢 Napapatulala na lang ako habang naiyak dahil ang hopeless kong nanay. Ang hirap pala maging nanay lalo na kung walang kasamang umaagabay sayo. Opo may partner ako at iniisip nyang umaarte lang ako sa pag-iyak at pag-sigaw ko sa anak namin dahil akala nya sa dahil di nya ako pinapansin at puro cp sya. Minsan, naiisip ko nang sumuko sa laban ko para lang maranasan nya yung hirap na ginagawa ko. Hindi ko rin alam kung worth it pa ba ako sa buhay nya. Marami na akong doubts na naiisip. Ang hirap. Hindi ko na alam gagawin ko kapag umiiyak nako at feeling ko worthless nako. Pasensya na mommies kung nagdrama nako dito. Wala kasi akong mapagsasabihan dahil alam ko may pinagdadaanan rin mga taong nasa paligid ko. Salamat.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

same here 7mos rin baby ko. iiyak lang sya pag gutom o antok tsaka diretso tulog nya dedede lang sabay tulog same na kame ng routine ng tulog kaya di na ako puyat. ayaw nya na ng hinehele kusa sya natutulog. kaya mo yan, tiis lang need ka ng anak mo. pagsabihan mo asawa mo.