Scammer Story
Hi po Mommies, ngayon araw na-scam ako dahil may binibenta akong stroller ng toddler ko sa Marketplace ng FB. Name niya sa FB is JOHN PITS, nagbebenta rin sya pero di ko alam kung gawa-gawa niya lang ba yun. Nagpanggap siyang babae (SCAMMER) at may Hubby raw sya. Tinanong nya kung ano issue ng stroller kahit naka-indicate na doon sa post ko. Ang saya ko na nung oras na yun kasi may bibili na. Yung nagbook is yung SCAMMER, sinabihan nya pa ako na 2,800 yung sabihin ko sa Kuya R. kasi sinabi nya raw sa "HUBBY" nya na 2,800 yung stroller kahit 1k binibenta ko. In short, kukupitan nya yung hubby nya ng 1,800 then isesend ko nalang daw sa gcash yung 1,800 sakanya kasi hawak ko na yung pera ni Kuya R. Sinabi ko dun sa SCAMMER na 1k lang laman ng gcash ko, pinipilit nya akong isend na agad yung 1k. Tapos follow-up nalang yung 1k kasi magpapa-cash in pa ako. Nung triny kong iprocess yung number na sinend nya sakin NON-VERIFIED yung number AT DOON NA AKO NANGHINALA. Kinukulit nya ako na iproceed ko nalang daw kasi ayun yung sabi ng kapatid nya. Hindi ako nagpatinag kasi alam ko na ee. Tinext ko na agad si Kuya R. na itext ako o tawagan kung nandun na siya at kung natanggap na ba yung payment, ok kausap si Kuya Rider. Nangungulit sakin si Scammer na kesyo isend ko na raw kasi alam daw ng hubby nya na may pera sya at doon kukunin yung SF sa 1,800. Nireplyan ko sya na madali lang magsend at mag-alibi sa hubby nya na nagsi-cr sya para masend ko agad sakanya kapag nakatawag na sakin si Kuya R. Dami nya chat sakin. Then biglang may nagtext sakin na number na akala ko si Kuya Rider na sabi andun na daw siya at nareceived na yung bayad sakanya. At doon ko nasend sa SCAMMER yung 1k na akala ko number ni Kuya Rider. Bigla kong tinawagan si Kuya R. kung yung pinantext nya ba sakin at pinangcall ee sakanya o may iba pang number, sabi sakin ni Kuya R. na ayun lang number nya. Dito nako nanlumo kasi 1k nasend ko sa SCAMMER ee. Pagpunta ni Kuya R. doon sa lugar BOOM andaming Rider na nakaabang doon sa address na binigay. Narinig ko sa other line nya na maraming taong nagsasabi na walang nakatira doon, na maraming rider rin nai-scam sa address na yun at yung iba umiiyak dahil na-scam sila ng malaking halaga at yung iba malalayo pang lugar para lang dalhin doon sa fake address. Sampaloc, Manila to Parañaque binyahe ni Kuya R., 316 pesos yung SF papunta plang doon which is malaking halaga na yun kay Kuya R. pangkain na rin nya yun. Ang ginawa nalang ni Kuya R. binalik nya sakin yung stroller NA DAPAT may iba na syang booking kung sakaling totoo kaso hindi, sinoli ko rin sakanya yung 2,800. Nagkwento sakin si Kuya R. na ang pinupuntirya ee mga baby stuffs kasi lahat ng Rider na nadoon ay baby stuffs ang gamit. In short, mga nanay yung mga ini-scam nila. Kaya ingat po kayo mga Mommies. Hayy!