Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Dreaming of becoming a parent
Gallstone (BatoSaApdo)
Madalas sumakit sa bandang itaas ng tiyan ko (rusok). Lately lang nung nalaman ko na may gallstone ako. Di ko pa to iniinda nung di pako nabuntis pero nung nabuntis ako hanggang ngayon na 3weeks na nung kapapanganak ko eh umaatake pa din sakit ko. Advise ng surgeon na magpaopera ako pag lumakas nako dahil nga kapapanganak ko palang. Pero hangga't maaari ayoko po sana magpaopera kasi kawawa yung anak ko. Breastfeeding mom pa naman ako. Since maliliit pa lang yung mga bato ko sa apdo at di naman daw malala siguro makukuha pa po ng gamot. May alam po ba kayo mabisang gamot o remedy para sa pampatunaw ng bato sa apdo? Desperada na po kasi ako gumaling. Halos di na makakain ng maayos dahil sa daming bawal pero wala po ako magawa kundi magtiis dahil para din po sa akin at sa anak ko 😭 Pahelp po!
FirstBabyKo
Hello po. Ask ko lang po anong mabisang gamot para sa ubo ng sanggol? 3weeks palang po si baby. #firstbaby
GERD
Normal lang ba sa buntis ang magkaroon ng GERD mga momshie? Yung bigla bigla na lang sasakit sa rusok o sa bandang dibdib na halos di na makahinga. Ano po pwedeng gawin para maiwasan to? 😭 Di ko na po kasi kinakaya, everytime na kakain ako limitado nlang kasi andon na takot ko baka mabusog ako tapos sumakit ulit tsaka ako magsusuka. Dalawang beses na ako nahospital dahil diyan nakailang turok na din ako para sa hyperacidity na yan 😭 Pagod nako sa karamdaman kong to. 😭😭
SSS MATERNITY
Ano po mga kailangan para magfileng sss maternity? Kailangan pa ba bayaran yung buwan na hindi nabayaran? Kasi po 1year ako nagwork at nagresign ako this April. Bale May up to July hindi ko po nabayaran. Mga magkano po kaya babayaran kung sakali?
Gamot
Ask ko lang po kung parehas din lang po ba sila. Yang vitamins DMLI po kasi binigay ng oby ko. Naubos ko na po siya. Bale niresetahan ako kaso naubos daw sbi sa drugstore kaya sinabi ko nlang po doon na yung pangbuntis kako at vitamins pharex yan po binigay. Okay lang po ba itake ko to?
Sakit sa bandang tiyan
Noong first check up ko niresetahan ako ng doktor ng gamot PROTON PUMP INHIBITOR tawag dun para sa sakit ng rusok (sa bandang itaas ng tiyan). Namimilipit kasi ako sa sobrang sakit na halos di na makahinga. Di ko alam kung ano ba nangyayari. Nasosobrahan ko ba kumain? Sabi ng iba may gusto daw ako kainin na diko nakain kaya sumasakit. May nagsasabi din na dahil sa lamig. May nagsasabi din na dahil sa paginom ko ng malalamig na inumin. May nagsasabi na baka heartburn na to. Hayst! Ano po ba talaga? Nung nagtake ako ng gamot na yun na good for 2weeks sguro yun eh nawala naman pananakit neto. Pero nung naubos ko na to bumalik ulit. Nung nakaraang araw sumakit na naman ito halos dina ako makahinga. Gabi yun! Basta ang alam ko sumasakit ito sa tuwing pagkatapos ko kumain. Naghohit compress ako. At umiinom ng dalawang basong maligamgam na tubig. Naisusuka ko din lang yung kinain ko. At after ko magsuka nawawala na yung sakit nito.Kaya everytime na kakain ako konte nlang. Sobrang konte ng kinakain ko kasi natatakot na akong sumakit ulit. Hindi kaya ito makakaapekto sa baby ko? 😭 Sa follow up check up ko yan siguro ang ipapaconsult ko sa oby ko. Ano po kaya sa tingin niyo dahilan nito bat sumasakit? Okay lang kaya kalagayan ng baby ko ? 😭
Pwede ba magpahilot kapag low lying placenta ang isang mommy?
Hello po. Ako po si Kristine. 22weeks na po ako pregnant magsisix months na. First baby ko po to so curious lang po ako and gusto ko po sana maging aware. Kung pwede ba magpahilot kapag low lying placenta? Bale nung first check up ko sabi ng oby ko na nakabreech yung baby and low lying placenta ako around 4months palang yung tiyan ko. Since diko alam mga pinagsasabi ng doctor ko I decided to have some research para mas maintindihan ko. So ayun, nalaman ko na di pa nakaayos yung baby ko. Nakakakaba pala talaga. Then, niresitahan ako ng mga gamot like vitamins and yung proton pump inhibitor ba yun I guess kasi madalas sumakit yung sa bandang itaas ng tiyan ko. Maganda naman epekto nito sakin. Nung 2nd check up ko ganon pa din situation ko, nakabreech pa din and low lying placenta. Halos mangiyak iyak nako na nakikinig sa mga advices ng doctor. Yung tipong kailangan sundin lahat ng advice niya para kay baby like yung pinggang pinoy (3times daily meal) kaso ang problema yung pangfinancial. 😔 Sinabi ng doctor ko na may possibility na ma cessarian ako since ganon yung ayos ng bata pero iniisip ko 5months plang naman aayos pa siya (nilalakasan ko lang loob ko dyan ayoko mastress eh) Nagtanong ako sa oby ko kung pwede magpahilot as second option lang para sana mapabilis ang pagayos ni baby sa tiyan ko kaso di pumayag ang oby ko sabi niya baka magbleeding daw ako dahil mababa nga placenta ko. 😔Di ko na alam gagawin ko! Babalik ulit ako this August 1 for the third check up. At talagang desperada nako na maging okay na talaga si baby para di ako mahirapan. So nagconsult ako sa parents ko, asawa ko and friends kung okay ba magpahilot para umayos si baby. Pwede naman "daw". Lahat sila gusto nila magpahilot ako pero ako lang ang may ayaw talaga. Nung una talagang takot ako dahil nga sa sinabi ng oby ko na baka magbleeding ako mas lalong delikado baka mapano pa si baby pero dahil sa may consent naman ang parents at asawa ko siguro gagawin ko na lang for the sake of my baby. Any advice po? Susundin ko po ba ang advice ng doctor ko o yung sinasabi ng parents ko since may experience naman na sila? 😔