JAMS-B profile icon
BạcBạc

JAMS-B, Philippines

Contributor

Giới thiệu JAMS-B

Got a bun in the oven

Bài đăng(15)
Trả lời(13)
Bài viết(0)
 profile icon
Viết phản hồi

Is this PPD?

Gusto kong alagaan si babyyy. Kaso laging hawak ng mga lola nya. Nakatira kasi ako sa bahay ni husband. And CS ako nung nilabas ko si baby. So yung mga first 3days sguro hirap pako diko mahawakan si baby kasi bawal daw baka mabuksan sugat ko. Pero its been a week okay nako. As in okay na. Kaya na maglakad. Ayaw pa nila ipahawak sakin si baby. Lagi nalang sya nasa baba. Nakakasama ko lang sya pag natutulog sa gabi. Ayaw nila na ako magpaligo sakanya. Baka diko ko pa daw kaya. Pero its been a month na. Hayy. Paano ako matututo kung hinde nila ako hahayaan na hawakan ko yung sarili kong baby? First time mom ako so syempre mas excited pako sakanila. Pero parang sa excite din nila sa baby ko nakalimutan nila na hello! Ako yung mommy nya. Ako dapat mag aalaga sakanya. As in minsan naiinis nako, kakahawak ko palang sakanya umiyak lang ng kaunte kukunin na nila sakin. Yung feeling na nakakainsulto. Parang ako pa nahihiyang humiram sa sarili kong anak. Hayyy! Tapos ngayon nagistart nako magbreastfeed sakanya kasi sabi nga ni husband ko kaya umiiyak si baby sayo everytime hawakan mo sya kasi di nya alam amoy mo kakapump mo para skanya. So ayun nagbreastfeed ako skanya sguro 3days straight sarap sa feeling kasi di sya umiiyak everytime na hawak ko sya yakap ko sya lagi pero bumalik na naman sa dati magsimula kahapon. Hinde ko nanaman sya mahawakan ni mabantayan dahil andito nanaman mga lola nya. Tapos andami pa nila bawal ganyan bawal ganyan. Hayyy. Naiinis ako kung gusto ko solohin si babyy kahit ilang oras kaso diko magawa kasi nakikitira lang ako sakanila. Ano dapat ko gawin? Baby ko sya pero parang wala akong karapatan. ??

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi