Emotional Stress. ?
Lagi nalang. Hinde nya ako naiintindihan. Financial lang ba talaga importante. Dahil ba yun ung natutulong nya ako na sa lahat. Paano naman yung physical mental and emotional help na kailangan na kailangan ko. Bawal na ba talaga magdemand sa asawa. Bawal na magdrama sakanya. Na lagi nalang nya pinaparamdam sakin na pabigat ako. Sya naman naiinis na kasi lagi ko nalang iniisip yun. Paano ko hinde iisipin kung yun yung pinaparamdam nya. Masama na ba akong asawa nun? Naiintindihan ko naman sya eh. Lahat ng kailangan nya binibigay ko. Inaasikaso ko sya, pinaglalaba, hinihintay umuwi galing work, ako nag aalaga kay baby lalo na sa gabi para makatulog sya maayos, pag gusto nya pinagbibigyan ko din naman sya sa gusto nya mangyari. Pero paano naman yung gusto ko? ?? bawal na ba magreklamo? Sa tuwing may masasabi akong negative sa nararamdaman ko sasabihin nya nagddrama ako, immature, kung ikaw kaya magtrabaho, buti nga dito pako umuuwi paano pag sa iba kaya ako umuwi?, umuwi muna kayo sainyo, at kung ano anong pang pagsusumbat. Gusto ko man i explain sarili ko wala nako nasasabi, bigla nalang tutulo luha ko. Mananahimik nalang. Pero ang sakit sakit na sa dibdib. Kasi yung taong gusto mong pagsabihan na akala mo iintindi sayo, di ako maintindihan. ??????????