May baby ako 13days old (2nd baby) may problema sya sa heart nangingitim labi nya pag sobra ung pag iyak nya. Di pa namin sya napapa 2D echo ng makasure kami kung butas nga ba or ano sa puso nya. Sobra akong naiistress pakiramdam ko ang dami pag kukulang sakin na kasalanan ko kung bat may ganun syang kondisyon. Minsan pag sobra tahimik sa bahay naiiyak nalang ako twing tinitingnan ko sya naaawa ako. Praying na sana mas maging okay sya. Or walang mas malala na result sa kanya. Please enlighten me 🥺 Sobrang sakit ng ulo ko kung ano ano tumatakbo sa utak ko 😭#advicepls #Needadvice #AskingAsAMom
Đọc thêm
LMP: Feb 2 UTZ: Feb 17 DOB: Feb 22, 2021 🎉💙 Pawelcome naman po kame ng baby ko my John Allisson 👣❤️ nakaraos na din via cs (40 weeks and 5 days) Ginawa ang lahat para magnormal delivery pero di kaya hehe. Stock kame sa 2cm then feb 20 unti unting nag leak water bag ko, feb 22 ng lumakas yung pag leleak kaya nag worry kame yung araw din na yun nag pacheckup ako still 2cm pa rin daw makapal pa ang kwelyo at mataas pa si baby tapos pumutok na nga daw panubigan ko sabe lang ni midwife imonitor gang bukas kung nag leleak pa rin bumalik daw ako. Pero di na pumayag mga inlaws ko na ipag pabukas pa nag aalala kase kame na baka matuyuan si baby ng tubig kaya nag decide sila na dalhin nako sa ospital for cs admit kame ng 9 ng gabe then 10:47 baby's out di ko narinig first iyak nya tulog kase ko pag kasaksak kase ng anesthesia kasunod ng pang patulog segundo lang di ko na alam mga sumunod na nangyare 😄 nagising nalang ako nasa recovery room na hahaha. Nung nasa tummy palang si baby sabe ko wag nya ko pahirapan at makaraos kame ng maayos, ayun masunurin di pinaranas saken na mag labor hahaha. Sa mga team feb pa natitira at sa mga pregnant mommy's pa naten jan always pray po! 🙏 Goodluck po sainyo and have a safe delivery po!!! 💖 #1sttimemom
Đọc thêm




