Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
a mom of cute little baby boy
what to do??
mga mommy i need help..yung baby ko kase ayaw nya dumede sa kabila kong breast kase flat yung nipple at di nya nakakapa..ano po kaya maganda at pwede gawin kase everytime na ipapadede ko sya dun..binibitawan nya lang agad at umiiyak na sya ng umiiyak at iniiwas na nya yung muka nya..pahelp naman po..salamat sa mga makakapansin at makapagbibigay ng magandang advice..
finally!!!!
the long wait is over!!!welcome to the outside world my baby boy!!!sa wakas..nakita at nakasama na rin kita..ito yung pinakaantay kong araw.. ELIJAH A.AQUINO EDD:MARCH 28 2020 DOB:MARCH 29 2020 VIA CS.. BABY OUT:10:15 PM 2.35 KILO..maliit lang sya because of my thyroid problem.. 10 am naadmit na ko sa ospital..for inducing labor..11:30 nagstart ako bigyan ng pampahilab pero wala ako nararamdaman na sakit..minonitor nila yung contraction at may contraction na raw ako every 3 to 4 minutes..pero wala pa rin ako nararamdaman na paninigas ng tyan..at kaya lang masakit ang tyan ko dahil sa gutom..haha..di kase ako pinayagan na kumain..nakamonitor din heartbeat ni baby at ang nakakalungkot dun eh bumababa ang heartbeat nya after every contraction ko..so yun under observation lang ako gang 12 hours..unang ie saken close cervix pa ko..tinuloy lang yung pampahilab ng tyan ko..ini e ulit ako mga bandang 8 pm pero close cervix pa rin daw..so nagsuggest ako na kung pede nalang ako na ics kase nanghihina na ako sa gutom at puyat..kung pipilitin akong maglabor baka di ko na kayanin ang umire at yung sakit..yun pala talagang mauuwi pala talaga ako sa cs sabi ng ob ko kase wala raw progression yung cervix ko..kaya sabi nya pag daw 9 pm na at close cervix pa rin..cs na talaga ako..so yun na nga..wala nangyari sa cervix ko..ayaw nya talaga bumuka kaya ang ending na cs nga ako..
39 weeks and 3 days..
hayy..due ko na sa sabado pero wala pa rin ako nararamdaman na kahit na anong sign na malapit na ko manganak..ginagawa ko naman lahat ng mga natural ways para maglabor na pero wala atang umeepekto saken..umiinom naman na ako ng evening primrose..3x a day..lakad lakad sa umaga kahit dito dito lang sa bahay..samahan ng exercise at sayaw ng zumba pag hapon..tapos pag maisipan ko mag squat nagssquat naman ako..ginagaya ko rin yung mga kegel exercises..pati yung activating labor sa youtube..nag aakyat baba na rin naman ako sa hagdan tapos nagdo na rin naman na kami ni hubby pero wala pa rin talaga..kahit napapagod na ko sa kakaexercise at kakasayaw sa maghapon pero ang sumasakit lang saken eh yung mga paa binti hita at singit ko lang..pero yung tyan ko..puson at balakang..walang paramdam..di pa naman ako pwede paabutin ng 41 weeks dahil may thyroid problem ako..di na rin nag gegain ng weight baby ko..mababa timbang nya para sa gestational age nya..pero ayaw nya pa rin talaga lumabas..ayoko sana mainduce kase gusto ko maranasan yung natural na labor..yung hindi pilit..ftm kase ako..nakakainggit lang yung mga mommy na nakapanganak na at nakapanganak sila ng wala pa sa due date nila..hayyyyy..
pakikipag do kay hubby..
hello mga mommies out there..di ba po sabi na nakakatulong ang pakikipag do kay hubby para mapalambot yung cervix pag kabuwanan na..ask ko lang..ilang beses po ba dapat na gawin yun..pede na kaya ang isang beses lang??
thank you mga momshie..
sa lahat po ng nagcomment kanina about dun sa pinost ko sa ideya para sa gamit ni baby..gusto ko lang na magpasalamat sa inyo sa pagshare nyo ng thoughts nyo saken..napakalaking tulong talaga para sa kagaya kong ftm..salamat sa mga advice and tips nyo..by the way..ng malaman ko na ndi pala pede yung ganun na ideya..bumili na po ako agad ng mas maliliit na gagamitin nya..pakicheck nalang po kung ok na ba ito..???
mga gamit ni baby sa hospital..
mga momsh..ask ko lang po..na yung mga gamit ba ni baby sa hospital na dala nyo like yung mga baby bath soap..alcohol..pag ba ginamit yun dun para kay baby halimbawa papaliguan sya..di na po ba talaga ibinabalik?yung iba kase nagsasabi na hindi na raw ibinabalik sa kanila yung mga ginagamit para sa baby nila..totoo po kaya yun??kase yun lang po gamit ng baby ko eh..wala na ako extra..kung ano dadalhin ko sa hospital..yun din sana gagamitin ko pag nakauwi na kami sa bahay..worried tuloy ako..???
SAMA NG LOOB KAY MIL..
ako lang po ba nakakaramdam ng ganito?sa bahay kase ng hubby ko kami nakatira..kaya nakikita or napupuna ako ng mil ko..sa tuwing may bibilhin kase ako na mga gamit or damit para kay baby..nakikita ko po sya na nakaismid or nakasimangot..tapos ng bumili naman po ako ng nursing bra parang di rin ok sa kanya kase dumating yung pinsan nya at nakita nito na nakasampay yung nursing bra na nilabhan ko..narinig ko yung mil ko at pinsan nya na nag uusap..sabi ng mil ko na sya raw pag umaalis naman dati nagbobote sya..di raw sya nagpapadede sa labas..kaya parang ang dating saken eh di ko naman kelangan ng nursing bra kase nasa bahay lang naman ako tapos pag lalabas gagamit naman ng bote at di naman magpapadede sa labas..tapos ng sinabi ng byenan kong lalake na kelangan pa raw palang bumili ng diaper para sa baby..sabi naman ng mil ko na hindi naman daw yun kelangan pa kase di naman daw idadiaper ang baby sa hospital pagkapanganak..lampin lang daw naman ang gagamitin..tapos sinabihan nya pa ako na wag ko na raw susundan yung baby namin..kaya wag na raw ako bumili ng mga damit ng baby..tama na raw yun..nakakasama lang ng loob..kase iniisip ko lang naman yung para sa anak ko..at parang lage syang kumokontra..tapos sabi nya girl daw to at ng malaman nya na boy parang nadisappoint sya..sabi nya anu ba yan..lalake nanaman?puro na lalake nandito sa bahay..kase mga anak nya mga lalake..isa lang ang babae..eh first baby ko palang to..minsan sumasama lang talaga loob ko lalo pa pag kumokontra sya tungkol sa baby ko..
baby size
mga momshies nalilito lang po ako..kase kulang po yung weight ng baby ko ng.3..dapat daw kase 1.8 na sya sa edad nya pero 1.5 palang sya kaya niresetahan ako ng vitamins para pampalaki sa kanya..sabi naman po ng mga nakakatanda at iba ko pong mga tita na bakit daw palalakihin yung baby sa loob ng tyan..dapat daw sa labas na palakihin kase mahihirapan ako manganak..ano po ba kahalagahan ng size ni baby sa tummy naten bago sya ipanganak?kelangan po ba na talagang sakto sa age nya sa tyan yung weight nya??thanks po sa mga sasagot..
TEAM MARCH!!!
Sino po mga team march dito??kumpleto na ba kayo sa mga gamit ni baby??ako kase hindi pa..pero mga toiletries nalang ang kulang..at anong weeks nyo po gusto magprepare ng mga gamit na dadalhin sa ospital??
juice
Mga mommy ask ko lang kung nakakapagpalaki ba ng baby sa tyan ang pag inom ng juice?gusto ko kase lage umiinom nun eh..