39 weeks and 3 days..

hayy..due ko na sa sabado pero wala pa rin ako nararamdaman na kahit na anong sign na malapit na ko manganak..ginagawa ko naman lahat ng mga natural ways para maglabor na pero wala atang umeepekto saken..umiinom naman na ako ng evening primrose..3x a day..lakad lakad sa umaga kahit dito dito lang sa bahay..samahan ng exercise at sayaw ng zumba pag hapon..tapos pag maisipan ko mag squat nagssquat naman ako..ginagaya ko rin yung mga kegel exercises..pati yung activating labor sa youtube..nag aakyat baba na rin naman ako sa hagdan tapos nagdo na rin naman na kami ni hubby pero wala pa rin talaga..kahit napapagod na ko sa kakaexercise at kakasayaw sa maghapon pero ang sumasakit lang saken eh yung mga paa binti hita at singit ko lang..pero yung tyan ko..puson at balakang..walang paramdam..di pa naman ako pwede paabutin ng 41 weeks dahil may thyroid problem ako..di na rin nag gegain ng weight baby ko..mababa timbang nya para sa gestational age nya..pero ayaw nya pa rin talaga lumabas..ayoko sana mainduce kase gusto ko maranasan yung natural na labor..yung hindi pilit..ftm kase ako..nakakainggit lang yung mga mommy na nakapanganak na at nakapanganak sila ng wala pa sa due date nila..hayyyyy..

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi. Week before my due date, wala kong naramdaman na signs of labor. Nanghinayang pa nga ako kasi nagleave agad ako 2 weeks before ng due date ko eh. My due date was Dec. 13, naggrocery pa kami. Pero kinagabihan bigla akong naglabor. Nanganak ako kinabukasan.

5y trước

wow..sana nga ako rin ganyan..yung di mo ineexpect pero mabibigla ka nalang..yung iba kase marami na nararamdaman na kung ano ano na sumasakit sa kanila tapos may mucus plug pa na lumalabas..pero saken sa tuwing titingin ako sa undies ko wala kahit yung white na normal discharge wala talaga..sana nga bigla nalang ako maglabor kahit wala ako nararamdaman na kahit na ano...